private spot

110 5 0
                                    

chapter 10

₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊𐙚

"In a multimedia arts course, how does photography contribute to the development of visual storytelling skills?"

I raised my hand after hearing that question. Finally, I got the chance to share my knowledge about photography and earn extra points for recitations—a win-win for me.

"Photography enhances visual storytelling by teaching students to convey emotions and narratives through composition, lighting, and imagery, enabling them to create compelling visual stories..."

Tumahimik ang buong klase at tanging boses ko ang umaalingawngaw sa bawat sulok. Mas kinabahan ako nang makita ko sa peripheral vision si Khalel.

"And photography helps students learn to capture moments that resonate with viewers, thus enhancing their ability to tell compelling stories visually."

Nag-umpisa ang lahat na magpalakpakan nung matapos akong magsalita.

"Galing mo dun ha," sabi ni Liam.

"Very well said, Mr. Ramos," our professor finally praised me. I bowed my head in gratitude.

Pinunasan ko muna ang mga pasmadong kamay ko saka nakinig uli sa lecture. Ito lang ata ang oras na talagang nakinig ako magdamag. Parang naiimagine ko na nasa ulap ako habang nakikinig.

"Okay class, that's it for today. You can take your lunch," sambit ng professor namin bago siya naglakad palabas.

Nag-ring na 'yong bell kaya nagtipig na ako ng gamit para kumain ng lunch. Humikab muna ako bago hintayin si Eli sa pagligpit ng kanilang gamit.

"Una muna ako sa inyo, guys," paalam ni Chloe sa amin. Uuwi na ata siya kasi half day lang kami ngayon.

"Ikaw, Khalel?" tanong ni Eli nang mapansin niyang paalis na rin siya.

"Kakain muna ako ng lunch, then magpa-practice ng basketball," saad niya. Hinayaan na lang namin siyang maglakad palabas.

Maybe, he wants to be alone.

Sabay-sabay kaming dumiretso sa canteen nila Eli at Liam. Nag-abot lang ako ng bayad kay Liam para sa lunch ko at siya na lang ang pinabili ko ng pagkain habang ako ay naghanap ng table namin.

Inilapag ko ang bag sa hindi kalayuan sa cashier. Kinuha ko agad ang camera ko at kinuhanan ng litrato sina Eli at Liam habang pumipila.

Nakakatawa ang hitsura nila at kung paano naiipit sila sa dami ng mga taong pumipila. Napatawa ako nang mag peace sign pa si Liam habang naiipit na parang sandwich.

Napakalis ng bulsa nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Agad kong linapag ang camera at chineck ito. Diniretso ko ang tingin sa mga messages ko.




from: 0956*******

"I'm up on the rooftop, a nice spot for lunch. Will you join me? I'll be waiting. -Khalel"

read.




Napaubo ako sa sobrang gulat sa nabasa ko mula sa unknown number. Kung hindi niya sinali ang pangalan, baka maisip kong scam ito.

I slid my phone back into my pocket.

Nagdalawang-isip ako kung pupunta ba ako o hindi. Siguro, hintayin ko muna makuha ang lunch ko bago magdesisyon kung sisiputin ko siya o hindi.

Naghintay naman ako halos sampung minuto kay Eli at Liam. Pawis na pawis si Liam nang inabot sa akin ang tray ng pagkain ko.

"Sana pala sa main cafeteria na lang tayo kumain. Siksikan dito, kahit naka-aircon, pinagpapawisan pa rin ako," reklamo niya at napaupo siya.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon