tender rub

159 4 1
                                    

chapter 19

₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊𐙚

"Gusto mo?"

Khalel offered a piece of lettuce with his chopsticks holding it out from his tray. Tiningnan ko muna ito ng ilang segundo iniisip kung kakayanin ba ng sikmura ko.

To be honest, hindi talaga ako mahilig sa lettuce. Never ko pa ‘yan nasubukan. Kumakain naman ako ng gulay pero pili lang—kalabasa, for example. Kahit kapag nag-samgyup kami nila Eli at Liam sila lang talaga ang kumakain ng lettuce na sineserve.

But now, I felt like I was about to eat it. Kapag si Khalel ang nag-aalok parang nagugustuhan ko na ang mga bagay na hindi ko naman nakasanayan.

"Masarap ba 'to?" I asked, taking the lettuce from his chopsticks.

Mabilis ko itong inilagay sa dila ko saka agad na nginuya at linunok.

Ang tabang talaga.

"Lalagyan ko sana ng meat," he said, a moment too late.

Nasa tiyan ko na ang lettuce. I could tell he was trying not to laugh habang ako naman ay napaluha-luha sa kinain ko.

We both looked up at the sky, napansin namin na parang dumidilim na ang mga ulap. Tahimik na kumakain si Khalel sa tabi ko, hindi man lang napapansin na kanina pa ako sulyap ng sulyap sa kaniya.

"Saan ka pala galing kanina? Nakita ko sila Eli, pero hindi ka nila kasama."

"Ah, may pinuntahan lang ako."

"Saan?"

"Dito lang sa school."

"Sino kasama mo?"

"Ako lang."

"Anong ginawa mo?"

I sighed. Kailangan ba talagang alamin niya lahat? Wala akong balak sabihin pero natatakot ako sa talas ng tingin niya.

"Sa engineering department. Nagkaroon lang ng photoshoot."

"Kaninong photoshoot?"

"Kay Clark."

His jaw tightened, and his expression suddenly changed. Para siyang nainis? Hindi ko alam.

He turned his gaze away habang patuloy na kumakain at umusog pa palayo sa akin.

Ang weird.

Bakit parang bigla siyang nagtampo? Hinayaan ko na lang siyang maging tahimik. Wala rin ako sa mood makipag-usap pagod na rin ako mula kanina.

Pagkatapos kong kumain, nagligpit na ako ng gamit at tiningnan ang oras. Kailangan ko pang i-finalize ‘yong pictures bago isubmit.

"Pst..." I called out to Khalel. "Aalis ka na? Baka dito ko na lang tapusin ‘yong mga gagawin ko. Mahangin naman dito eh. Una ka na lang sa baba."

"I'll stay here with you."

"Wala ka bang training?"

"Meron."

"Oh, edi pumunta ka na roon."

"I don't want to leave you here alone. Baka mamaya tumalon ka diyan."

Napaka-oa naman niyang mag-isip. Bahala na nga siya sa buhay niya. If he wants to stay then it’s up to him.

Chineck ko uli ang mga pictures na kinuhanan ko kanina, isa-isa kong inusisa kung anong pagbabago pa ang kailangan.

Sumulyap-sulyap din ako kay Khalel na nakasandal lang at tumatango para magpatuloy ako.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon