a change of plans

107 6 0
                                    

Note:

Don't forget to vote on every chapter to keep me motivated as I write the next ones. Hindi pa nangangalahati ang librong 'to, kaya marami pang mangyayari! Hindi pa ako nakakaramdam ng kirot, but trust me, it’s coming. Stay tuned, be patient with every chapter, and enjoy the journey with the characters. Again, thanks so much for the 1k reads—sobrang na-appreciate ko kayong lahat! Let's keep going together!

Also, if may napapansin kayong mali or may suggestions kayo for improvement sa bawat chapter, please don't hesitate to comment. Be aware din sa mga possible typos na ma-encounter nyo. Your feedback is a big help!


chapter 13

₊✩‧₊˚౨ৎ˚₊✩‧₊𐙚

Napahawak ako sa ulo kong sumasakit pagkagising at minasahe ito habang nakatulala ng ilang minuto.

"Alas dose na pala."

Tanghali na nga, sabog pa ang ulo ko.

Agad kong kinuha ang towel at dumiretso sa banyo para maligo. The cold water helped clear my head, slowly waking me up from my groggy state. Pagkatapos magbihis, plinantsa ko 'yong damit na isusuot ko para sa lakad namin nila Khalel mamaya.

I'm not sure if he'll come, but I'm really hoping.

Inihanda ko rin ang biniling perfume na ibibigay ko kay Chloe, para ibigay niya kay Khalel. Siguro pagkatapos nito, pwede ko na siyang hayaan sa next move niya para kay Khalel.

Pagbaba ko para kumain, tahimik ang bahay. Si Mom siguro nasa trabaho na, si Ate lumabas, at si Khalel, sabi niya, nasa school na for basketball practice. Tahimik nalang akong kumakain sa kusina habang pinapakinggan ang bawat tunog ng kutsara at tinidor na ginagamit ko.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng biglang pagkabagot kaya kinuha ko ang phone at dinial si Eli. Naalala ko na pinapatingin nila ngayon ang tainga niya. And I'm really curious how it goes, and of course, worried as well.

"Eli? Musta?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag.

Ilang segundo walang sagot. Baka hangin 'tong kinakausap ko.

"Musta na, Eli? Okay lang ba 'yang tainga mo?" ulit ko. Sa wakas, may narinig akong kaluskos mula sa kabilang linya.

"Ah, okay lang naman, pero may konting problema."

"About your ears?"

"Oo eh."

"Ano yun?"

Kinabahan ako sa sasabihin niya habang patuloy akong kumakain.

"Based sa findings, may nakita silang bacteria sa loob ng tainga ko. Sabi nila, kung pababayaan pa, posible daw na magka-hearing loss ako... forever."

Nabilaukan ako. "Hearing loss? Forever?"

"That's what they said. And I feel really scared about it. Kahit ngayon, hindi na kita marinig ng maayos."

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. I tried to speak louder para mas marinig niya ako. Hindi ko akalain na ganito kalala ang sitwasyon niya.

"Just follow the doctor's advice. I'm sure you'll be fine. See you soon!"

"Thanks, see you. Maghahanap rin kami ng makakainan rito."

I ended the call and slowly put down my phone. The silence in the kitchen felt heavier now. Sinubukan kong tawagan si Liam pero walang sagot. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

I was startled when someone entered the house. Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan sa biglaang pagbasag ng katahimikan nang bumukas ang pinto. Sinilip ko agad at nakita si Ate kasama ang boyfriend niyang si Lucas.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon