*******10*******Starla Auria
Nang makarating kami sa table ni prinsipe zidder ay pina upo niya ako sa tabi niya, kilala ko naman si prinsipe zidder mag ka babata sila nang totoong starla.
"Anong gusto mong malaman?"Tanong niya ng seryoso habang nakatitig sakin.
"Ay oo nga pala may itatanong pala ako sa kanya kanina muntik konang makalimutan"
"Zidder isang araw pumunta ako sa palasyo para sana mapag usapan natin ang nalalapit nating kasal noon"
"Ngunit hindi kita makita sa palasyo kaya hinanap kita at naisipan kong magpunta sa library baka nandoon ka, pero nang makita kita sa labrary nakita kung nakikipag halikan ka kay Lady Rose!"
Sabi ko nang may halong galit, napansin ko naman ang pagka bigla niya, at parang nag tataka ito sa mga sinabi ko.
"Zidder naging kayo ba ni Lady Rose habang engaged tayo noon?"
Tanong ko sa nang seryoso hindi ko din alam kung bakit ko naisipan itanong ito siguro dahil may kaunting kirot sa puso ko,
at gusto kong mamalam ang sagot nito, napansin kong hindi naman ito nakasagot agad dahil naka titig lang ito sakin habang malalim ang iniisip.
"Zidder nagging kayo ba ni Lady Rose?" Tanong ko ulit nang naiinis, dahil para siyang naguguluhan sa mga sinasabi ko, ilang sandali bigla itong bumuntong hininga ng malalim.
"Starla noong engaged tayo ay hindi kita niloko, at hindi rin naging kami ni lady rose"Sabi niya na kinataka ko naman.
"Baka ang nakikita mong kasama ni lady rose noon ay si Earl Timothy"Dugtong niya, kaya bigla akong naguluhan sa sagot ni zidder.
"Kaya kaba nag ka ganyan at hindi na nag papakita sakin, dahil ba don?" Sabi ni zidder na may halong galit sa tono nito, bigla niyang sinapo ang buhok niya na may kasamang buntong hininga nang malalim.
"Hindi mo ba alam na si Earl Timothy ay pinsan ko, kong pag mamasdan mo siya ay may hawig kami pati sa panga ngatawan" Sabi niya na kinagulat ko naman at mabilis na lumingon kay Earl timothy,
this time malapit na ako kay Earl Timothy, kanina kasi nasa malayo siya nang pagmasdan ko ito ay hindi nga siya nag bibiro magka hawig nga sila kaya naman nanlaki ang mga mata ko hindi ako makapaniwala sandali akong natulala.
"All this time mali pala ng akala si Starla Anieves, ngayon narealize ko na, nag pakamatay siya sa maling akala" Sabi ko sa isip ko na nakatulala sa kawalan dahil sa mga nalaman ko.
"Ha haha ha!"Natawa na lang ako nang mapakla, napansin ko naman ang biglang pag aalala ni zidder sakin kaya lumapit ito sakin.
"Starla ayos ka lang ba?"
Sabi niya ng concern, tumingin naman ako sa kanya nang naka tulala parin dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari, naramdaman kong hinawakan niya ang mag kabilang balikat ko.
"Starla ayos ka lang ba talaga?"
Tanong nito ulit na may pag aalala, kita kona sa malapitan ang mukha niya at ang mala berde niyang mga mata na nakaka humaling tingnan napatingin rin ako sa mga labi nito na parang ang sarap tikman at halikan,
para akong nakaramdan ng maingit sa aking kamay ilang sandali ay natauhan naman ako kaya tumango ako bago pa ako ma hypnotize sa mga tingin niya, bumalik na rin siya sa upuan nito.
BINABASA MO ANG
My Knight Thunder
RomanceStarla Auria a girl who got transmigrated in to the body of Starla Anieves. Starla Anieves is a side character from the novel name Rose and Zidder. Once she was transmigrated to the book of Rose and zidder she was shock at the first time because, s...