*******16*******Starla Auria
Nang matapos ang pagkanta ko lahat ng mga tao ay nag si hiyawan at naging maingay dahil sa palapakan nila.
"Salamat sa pakikinig"Sabi ko sa lahat bago bumaba na.
Nag lakad na ako papunta kina kitty na maingay parin habang nag mamasid ako ay napansin ko ang paninda nang restaurant na naubos na kaya naman natuwa ako, pagka upo ko nakita kong manghang mangha sila sakin paano kaya kong mariah carey ang kinanta ko hahaha! tawa ko sa isip ko.
"Kailan ka natuto kumanta at mag gitara starla?"Tanong nilang tatlo sakin, napakunot noo na lang ako saka tumingin ako kung nasaan nakatayo si thunder kanina pero wala na siya doon.
"Secret" Sabi ko na lang sa kanila sabay hila ko ka kitty.
"Tara na kitty try din natin yung iba" Sabi ko ko rito.
"Wait!"Sabi niya bago tinuro yung ale kanina na papalapit samin.
"Iha maraming salamat sa pagkanta mo dito ngayon, dahil sa pagkanta mo naubos nang customer lahat nang paninda ko next time kumanta ka lang dito iha, napakaganda ng mga kanta mo, ngayon ko lang narinig sa tanang buhay ko" Sabi nito ng masaya sakin.
"Walang anuman po iyon, salamat din po at pinagamit niyo sakin yon"Tugon ko din ng nag papasalamat bago kami umalis.
"Tara na kitty" Hila ko sa kanya.
"Wait sasama ako sa inyo"Sabi zidder
" kami rin " Rinig kong sabi ni eric at enzo.Sa huli ay mag kakasama kaming lima na nag lilibot, may nakita kaming mga rides at ang nagustuhan namin e try ay ang vikings dahil ang laki nito.....
"Ahhhhhh aaahhhh!"
Sigaw namin ni kitty, kita ko ang itsura ni eric na natatatakot pero si enzo hindi niya pinapahalata.
"Ahhhhhh ayaw kkoo naaa!"
Sigaw ni eric kaya naman napatingin kaming apat kay eric sa itsura pala lang nito halatang ayaw na niya.
"Hahahaha hahaha"
Tawa naming apat pag ka baba namin sa vikings ay nag tatawanan parin kami.
"Tumahimik na nga kayo"Sabi ni eric na naiingis dahil pinag tatawanan namin siya.
"Prince Zidder nakita mo yung itsura ni Eric kanina?"
Sabing tanong ni enzo kay zidder na tawang tawang kay eric, napansin kong close ang mga ito sa prinsipe.
"Oo"
Sagot ni zidder na natatawa tapos napatingin sakin habang nakingiti ako sa nangyayari, pagkatapos ay sinubukan pa namin ang mga ibat ibang ride at pa game sa festival.
Habang nag lalakad kami ay napatigil ako ng may nakita akong booth na maraming teddy bear, dahil dito napansin kong tumigil din si zidder at tumingin sa tinitingnan ko.
Tumingin ako kay kitty at ang dalawang kuya ni starla anieves kaso nauna na silang mag lakad napansin kong mag lalakad nadin sana si zidder, kaso pinigilan ko siya kaya naman nagulat ito sa ginawa ko.
"Zidder baka naman pwede mo akong tulungan sa teddy bear na yon! "Sabi ko sakanya sabay turo sa teddy bear na gusto ko.
"Kahit isa lang please!"Pag papa bebe ko sa kanya, napansin kong nagulat naman siya sa kinilos ko bahala na basta gusto ko ang teddy bear na yon sabi ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
My Knight Thunder
RomanceStarla Auria a girl who got transmigrated in to the body of Starla Anieves. Starla Anieves is a side character from the novel name Rose and Zidder. Once she was transmigrated to the book of Rose and zidder she was shock at the first time because, s...