Chapter 2

180 35 0
                                    

"Nakakapagod naman mag-enroll tapos wala pang pogi na mahagilap." Reklamo ni Azi at nakasimangot pa.

Ang harot talaga niya kahit kailan, tapos puro pogi ang target niya.

Nandito kami ngayon sa napili naming school para sa Senior High, nakapila kami dahil mag eenroll kami tapos itong si Azi puro reklamo.

"Pagsamahin niyo nalang yung mga papers niyo kung same lang ng strand ang kukuhanin niyo para mabilis tayo." Masungit na sabi ng teacher na bantay dito.

Pinagsama nalang namin yung mga papers naming tatlo katulad ng sabi nung teacher kanina at pagtapos inabot ko na sa kaniya yung envelope na dala namin pagkatapos non umalis na kami para makauwi na.

"Sungit akala mo naman maganda, mukha lang naman siyang paa tapos ang nipis pa ng kilay ang kapal ng make up." Reklamo na naman ni Azi wala siyang ginawa ngayong araw kundi magreklamo.

Palabas na kami ng gate nang mapansin kong natigilan si Azi sa kakareklamo niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa isang lalake na nakatingin rin sa direksyon namin. Kaya pala nanahimik ang babaita nakakita ng gwapo.

"Ang bibig baka mapasukan ng langaw 'yan." Natatawang sabi ni Zara at isinara pa ang bibig ni Azriela kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Azi at hinampas.

"Manahimik ka. Akin 'to bawal mo agawin." Maharot na sabi ni Azriela kay Zara.

"Sa 'yo na isaksak mo sa baga mo." Natatawang sabi ni Zara. "Mine nalang yung katabi niya yung nasa left side." Dagdag na sabi niya at maharot na hinampas si Azi.

Ang haharot talaga nila kahit kailan.

"Tara na, tama na kakaharot niyo." Aya ko sa kanila at paalis na sana ako kaso pinigilan nila ako kaya nagtataka akong napatingin sa kanila.

"Mamaya na lapitan muna natin sila." Nakangiting sabi ni Azriela kaya naman no choice ako dahil hinila na nila ako papalapit doon sa kinaroroonan nung tatlong lalake.

"Hi, I'm Azriela you can call me Azi pero mas okay kung baby." Maharot na pagpapakilala ni Azi paglapit namin sa pwesto nung tatlo, juice colored ako nahihiya sa babaeng 'to.

Natawa naman yung lalaking kinausap niya at nagpakilala rin.

"Phoenix Kai you can call me Nix or Kai." Nakangiting pagpapakilala niya kay Azriela.

Gwapo naman 'tong si Kai, black hair, brown eyes, medyo makapal yung kilay niya, matangos ang ilong, kissable rin lips niya parang same sila ni Azriela ng lips medyo makapal tapos medyo mapula kahit walang litpint na nakalagay, at medyo maputi rin siya at matangkad din.

Ngiting-ngiti si Azriela kaya naman hinampas ko siya at binulungan.

"Umayos ka nakakahiya tangina mo." Sabi ko sa kanya at kinurot siya kaya naman napadaing siya, lalo naman akong nahiya dahil sa babaeng 'to.

"Ehem, my turn hehe." Singit ni Zara kaya naman sa kanya ako napatingin. Juice colored 'wag naman sanang gumaya kay Azriela 'to.

"Hi hehe, I'm Zara Demonise you can call me Zara." Mahinhin na pagpapakilala niya.

Aba parang hindi makabasag pinggan ah mapagpanggap talaga.

"You can call her Demon masama naman ugali niyan e, anak ni Satanas Unica Hija niya." Natatawang sabi ni Azi kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Zara.

"Mamaya ka sakin tangina mo." bulong niya kay Azi at bahagyang sinabunutan.

Tangina talaga bakit naman ganito mga kaibigan ko gusto ko nalang maglaho ngayon.

"I'm Benjamin Oliver you can call me Benj." pagpapakilala nung lalakeng kinausap ni Zara.

Gwapo rin 'tong si Benj, black hair din, brown eyes, matangos ang ilong, makapal ang kilay, kissable rin lips niya, halata naman kasi nakatitig si Zara doon, moreno siya at matangkad din katulad ni Kai.

Between Pages and Reality Where stories live. Discover now