Chapter 6

95 33 0
                                    

"Ano ba Miguel? Pwede ba 'wag mo kong yakapin!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Tigilan mo na ako Miguel... Tama na please lang. Pagod na pagod na ako." Naiiyak na sabi ko sa kaniya.

Nakatingin na ako ngayon sa kaniya at kitang kita ko kung paano gumuhit sa mga mata niya ang sakit.

Pagkatapos niya akong iwasan aakto siya ngayon na okay lang kami.

Sobrang sakit ang naramdaman ko dahil sa ginawa niya sa 'kin.

Bakit kailangan niya akong iwasan na para bang may nakakahawa akong sakit? Hindi man lang niya inisip yung samahan na nabuo namin.

Kahit sana bilang kaibigan lang niya maisip niya na nasasaktan ako sa mga actions niya towards me. Hindi ako manhid para hindi makaramdam ng sakit dahil sa ginawa niya.

Pagod na pagod na ako isipin kung bakit niya ako ginaganito.

"Uuwi na ako. At pwede ba huwag na huwag mo ng susubukang lumapit sa akin. Ayoko ng makasama ka at ayoko na sa 'yo!" Pasigaw na sabi ko sa kaniya at ang sakit kasi alam ko sa sarili ko na matagal ko ng gustong makasama si Miguel pero ang sakit na kasi hindi ko na kaya.

Ilang buwan niya akong iniwasan tapos ngayon ganito ang iaakto niya. Wow ah parang hindi ako sinaktan.

Aalis na sana ako kaso bigla niya akong tinawag kaya naman napahinto ako sa paglalakad.

"Madame baby." Tawag niya sa akin.

Lalo akong naiyak kasi ilang buwan... Ilang buwan niya akong hindi tinawag ng ganon.

Ang sakit na talaga bakit ba kasi kami umabot sa ganito.

"Pwede bang mag-usap tayo?" Pakiusap niya sakin. Tiningnan ko siya at tumango ako kaya naman hinila niya agad ako papunta sa loob ng school at dinala sa may garden.

Umupo kami sa damuhan at nag-umpisa na siyang magsalita.

Palubog na ang haring araw kaya naman malapit na talagang gumabi. Ngayon lang ako ginabi ng ganito baka hanapin ako nila Mommy.

"I'm sorry, baby." Pagpapaumanhin ni Miguel.

"Sorry kung iniwasan kita. Nasaktan lang din kasi ako sa nakita ko noon. Sorry kung nasasaktan kita ngayon. Sorry kung pina-abot ko pa ng ilang buwan bago kita kinausap. Wala akong lakas ng loob madame. Ang sakit lang kasing isipin na hindi pala mutual yung nararamdaman natin. Oo gusto kita Elle... Simula palang nung una may nararamdaman na ako sa 'yo. Akala ko ganoon ka rin sa akin pero hindi pala. Nag-expect ako pero sa huli nasaktan lang ako. I'm sorry baby... Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. Inisip ko nalang na iwasan ka kasi mas okay 'yon dahil kayo na ni Ethan. Nung una palang selos na selos na ako sa kaniya pero wala naman akong karapatan. Nung nakita ko kayo parang tumigil sa pag-ikot yung mundo, yung mundo ko." Naiiyak na sabi ni Miguel kaya naman naiyak na lang din ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

All this time tama nga ako, dahil 'yon sa nakita niya sa hospital. Bakit kasi hindi niya muna ako pinakinggan? Edi sana okay pa rin kami hanggang ngayon. Edi sana hindi kami nasasaktan pareho.

Ilang buwan yung nasayang dahil lang sa misunderstanding na 'yon.

"Ang sakit makita na araw-araw kayong magkasama. Simula nung iniwasan kita siya na yung palaging kasama mo. Sana ako 'yon e... Sana ako yung kasama mo tuwing pupunta ka ng canteen at uuwi. Sana ako yung kasama mo tuwing umiiyak ka at nahihirapan na. Palagi ko kayong nakikita ni Ethan palagi kang umiiyak pag magkasama kayo. Ang sakit sakit kasi hanggang tingin lang ako sa 'yo. Gustong gusto kitang yakapin tuwing nakikita kitang umiiyak pero pinipigilan ko yung sarili ko kasi wala naman akong karapatan. Sorry Elle. Sorry talaga kung hinayaan kong masira lahat ng sa atin. Sana mapatawad mo ako. Masaya ako para sainyo ni Ethan." Nakangiting sabi niya pero naiiyak siya. Kitang kita sa mga mata niya na nasasaktan siya pero pinipilit niya pa ring ngumiti.

Between Pages and Reality Where stories live. Discover now