Chapter 4

144 35 0
                                    

"Bakit nandito ka? Paano ka nakapasok? Naknampucha naman Miguel anong ginagawa mo rito?" Sunod-sunod na tanong ko kay Miguel.

Bakit ba nandito siya? Paano siya nakapasok? OH MY GOD! Nakita niya ba kung paano ako matulog? Punyeta naman.

"Ah... Eh.. Inaantay kita magising, pumasok ako gamit pintuan niyo hehe." Sagot niya sa tanong ko at napakamot pa sa ulo niya.

Tangina naman! Ano ba kasing kailangan nito sakin? Bakit ba siya nasa kwarto ko?

"Gabi na Miguel ano ba kailangan mo? Sino nagpapasok sayo?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Pinapasok ako ni Tita, sabi ko sa sala na lang ako mag-aantay pero sabi niya okay lang naman na dito nalang." Pagpapaliwag niya at parang nahihiya pa. "May sasabihin lang sana ako sa 'yo, kanina pa ako nandito antagal mo magising kaya ginising na kita." Pagpapatuloy na sabi niya at hindi makatingin sakin.

Wow kung maka Tita kay Mommy parang close na close na sila ah. Ano ba sasabihin nito gabi na hindi pa talaga siya umuwi magmula kanina.

Bigla naman siyang lumapit sa 'kin kaya naman kinabahan ako, tanginang 'yan ano bang trip nito.

Nakalapit na siya sa 'kin at akmang hahalikan na niya ako ng magising ako dahil sa boses ni Mommy.

Napabangon agad ako, mabuti nalang ginising ako ni Mommy bwisit para akong binangungot. Bakit ko ba napanaginipan si Miguel? Hindi ko naman siya iniisip nung natulog ako.

Chineck ko muna yung phone ko bago ako bumaba para kumain, andaming message ni Miguel ang kulit naman niya kaya napanaginipan ko, e.

Bumaba na ako at laking gulat ko na nasa hapag kainan si Miguel. Tangina. Nananaginip pa ata ako e. Gusto ko na magising, kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan lang ako ampota totoong nandito si Miguel?!

Anong ginagawa niya rito? Panaginip ba talaga yung kanina or totoo? Sumasakit ulo ko kakaisip.

Panaginip lang 'yon, ginising nga ako ni Mommy, e. Pero bakit nandito siya? Anong kailangan niya?

"Hi, Elle." nakangiting bati ni Miguel sa 'kin.

"Hello." Tipid na sabi ko at umupo na.

Bakit ba siya nandito? Sumasakit ulo ko kakaisip. Huwag ko na nga lang isipin para hindi na sumakit ang ulo ko.

"Kanina pa naghihintay sa 'yo 'tong boyfriend mo anak." Nakangiting sabi ni Daddy kaya naman gulat akong napatingin sa kanya.

Tangina! Gusto ko na magising anong klaseng bangungot ito. Pinagtitripan ako ni Daddy.

"Daddy! Anong sinasabi mo? Panaginip po ba 'to? Gising na po ba ako?" Sunod-sunod na tanong ko kay Daddy. "Pinagtitripan mo po ata ako." Nakasimangot na sabi ko.

Natawa lang sila kaya lalo akong naguluhan. Ano bang trip nila? Kainis naman.

"Kalma... Nagbibiro lang naman ako anak. Kanina pa rito 'tong si Miguel nagpakilala na siya sa amin sabi niya kaibigan mo raw siya at may gusto lang itanong sa 'yo." nakangiting sabi ni Daddy.

Tumango lang ako at napatingin kay Miguel, ano ba kasing gusto niya? Pumunta pa talaga rito. Ginugulo niya ang buhay ko. Bwisit.

Kumain na kami at pagkatapos naming kumain nag-usap na kami ni Miguel. Ang lakas ng trip niya ampota nag-antay siya ng ilang oras tapos itatanong lang niya kung pwede raw humiram ng libro.

Pwede naman niyang ichat ako at iaabot ko nalang bukas sa school pero pumunta pa talaga siya rito at nag-antay pa. Lakas talaga ng trip.

"Thank you, madame baby." Nakangiting sabi niya. "Iingatan ko mga 'to, balik ko nalang kapag natapos ko na... Uuwi na ako." paalam niya sa akin.

Between Pages and Reality Where stories live. Discover now