Chapter 14

31 7 0
                                    

"Hoy Elle, totoo nga 'yon? Hindi talaga ako makapaniwala." tanong ni Zara sa akin pagkatapos naming kumain.

Ayan na siya, sabi ko na e ngayon talaga siya mag-iingay at hindi nga ako nagkamali.

"Oo nga, pa ulit-ulit naman."

"So nagkiss nga? Kwento mo naman yung nakita mo kagabi." pangungulit niya sa akin.

"Wala nga, bahala ka diyan." sabi ko at pumunta sa may sala, sumunod naman sila ni Azriela at hindi pa rin tumigil kakatanong si Zara sa akin.

"Ano nga kasi? Dali na share mo naman... Ay nga pala anong ginagawa mo sa bar na 'yon?" tanong niya ulit, hindi na naubusan ng itatanong sa akin ang babaeng 'to.

"Galing ako kila Miguel."

"OMG?! Anong ginawa mo don? Don't tell me nag ano kayo?" nakangising tanong niya.

"Gago, pinagsasasabi mo. Wala kaming ginawa ah. Nandon din sa bahay nila yung Mommy niya." pagpapaliwanag ko pero hindi pa rin nawawala ang ngisi niya.

Nakikinig lang din si Azriela pero halatang natutuwa sa pinag-uusapan namin ni Zara.

"Sus, pustahan kung wala yung Mommy niya baka nag momol na rin kayo." sabi niya at tinukso pa ako.

"Alam mo manahimik ka nga." inis na sabi ko.

"Yieee, ikaw pumunta sa kanila ibig sabihin ikaw ang may gusto non? Adik ka pala sa kiss, e." nakangising sabi niya.

"Ang bibig mo tangina mo talaga." inis na sabi ko sa kanya.

"Ikaw ah, so nag-ano talaga kayo?" natatawang tanong niya.

"Tangina naman talaga oh. Manahimik kana Zara Demonise." inis na sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ang sinabi ko.

Natatawa lang rin si Azriela at busy siya sa hawak niyang phone, siguro magkausap sila ni Kai ngayon kaya nakatutok lang siya sa phone niya at tamang kinig lang sa usapan namin ni Zara.

"Pikon na pikon, ikalma mo namumula kana." natatawang sabi niya.

Punyeta pikon na pikon na talaga ako at ubos na ang pasensya ko. Sarap sabunutan ni Zara.

"Ewan ko sa 'yo." inis na sabi ko.

"Pero ano... bakit pumunta ka sa bahay nila Miguel?" tanong na naman niya.

"Ano ba! Hindi ka pa rin tapos?" iritadong tanong ko sa kanya.

"Syempre naman, dali na sumagot ka nalang kasi." nakangiting sabi niya.

"Ganito yan... Kasi kahapon nakatulog ako tapos paggising ko nandito na si Bryan sa bahay, tapos umuulan pa diba? Edi nagstay muna siya dito." pagkukwento ko.

"Gago?! Bakit pumunta si Bryan dito kahapon? Diba may gusto yon sa 'yo?" gulat na tanong ni Zara.

"Hindi ko nga rin alam e... So ayon nga diba nagstay siya tapos nanood kami ng movie, gusto ko na nga siyang pauwiin kaso lang umuulan nga... tapos nung nanonood kami nagvideo siya kasama ako at inistory niya sa instagram 'yon hindi niyo nakita?" tanong ko sa kanya.

"Gago, wala kaming nakitang story niya." sagot ni Zara sa tanong ko.

Sa bagay naka close friend lang kasi yung story niya kahapon e, pero bakit hindi niya sinali sa close friend niya sila Zara?

"So ayon nga nag story siya tapos nakita ni Miguel 'yon at nagtampo siya kaya ayon pagkauwi ni Bryan pumunta agad ako sa bahay nila Miguel para suyoin siya."

"Naks naman, nanunuyo na ang isang Isabelle." natatawang sabi ni Azriela.

"Manahimik ka, kausapin mo nalang si Kai." suway ko sa kanya at nginitian lang niya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between Pages and Reality Where stories live. Discover now