"Huy paabot nga ng gunting..." Utos ko kay Ethan.
Nandito kami ngayon sa may garden ng bahay namin. Birthday ni Miguel ngayon kaya balak namin siyang isurprise. Kasama ko rin sila Azriela at Zara dito, wala sila Benj at Kai kasama nila si Miguel. Inutusan ko silang samahan muna siya para hindi siya pumunta agad dito sa bahay.
Hindi ko pa binabati si Miguel kaya sure akong nagtatampo na 'yon sa akin.
Ilang linggo na nung nagka-ayos kami at ngayon birthday niya na kaya babawi ako sa kanya. Bumawi na rin naman siya sa akin pero palagi pa rin siyang bumabawi dahil siya naman daw ang may kasalanan kung bakit kami hindi nag-usap noon. Hindi ko naman siya sinisisi pero palaging sinasabi niya 'yon kaya minsan tinatakpan ko ang bibig niya para hindi siya makapag-salita.
Binigyan niya ako ng tatlong libro last week dahil nga bumabawi siya at chaka sabi niya ilang buwan na raw nasa kanya 'yon, kaya naman sobrang saya ko nung binigay niya na sakin 'yon. Minsan naman kung ano-ano ang mga binibigay niya sa 'kin at minsan inaaya niya rin akong lumabas para makapagbonding daw kami kasi nasayang namin yung ilang buwan na hindi kami nag-uusap noon dahil sa misunderstanding.
"Yung lobo baka pumutok ayusin niyo..." Utos ko kila Azriela.
"Wow ah, utos ka ng utos ikaw nalang mag-ayos dito." Reklamo ni Azriela.
"Sige ako na, basta lumayas ka dito." Sabi ko sa kaniya at tinaboy siya.
"Seryoso mo naman, hindi ka mabiro hehe. Joke lang ito na aayusin na." Natatawang sabi niya.
"Very good..." Ngiting tagumpay ako.
Malapit na kaming matapos sa ginagawa namin, alas onse na ng umaga kaya naman maya maya lang nandito na sila Miguel niyan.
Wala sila Mommy ngayon nasa work at wala rin kaming pasok kasi Sabado kaya naman naisipan kong isurpresa si Miguel. Kami lang magkakaibigan ang magcecelebrate ngayon.
"Hoy yung alak nasabihan mo ba si Benj?" Tanong ni Azriela kay Zara.
"Oo baka malasing tayo, dito nalang tayo matulog. Pwede naman diba, Elle?" Tanong sa 'kin ni Zara.
"Bawal uminon mapapagalitan tayo." Sabi ko sa kanila.
"Gaga, sinabihan na namin sila Tita. Ikaw lang naman hindi pwedeng uminom sa atin e." Natatawang sabi ni Zara.
"Edi wow. Okay na ako sa yakult." Natatawang sabi ko.
Nilapitan ko si Ethan at binulungan. May sikreto kami nito kaya naman sobrang hina ng boses ko.
"Huy nasabihan mo ba yung gf mo? Baka magalit na naman 'yon hanapin ka sa 'kin." Bulong ko sa kaniya.
"Oo sinabihan ko na, 'wag kang mag-alala." Sagot niya sa 'kin na pabulong din.
"Hoy! Ano 'yan? Bakit kayo nagbubulongan?" Tanong ni Azriela.
"Wala naman..." Sagot ko sa tanong niya at lumayo na ako kay Ethan.
Yung mga lobo nalang ang inaayos namin, last na 'to at pagtapos namin pwede ng papuntahin sila Miguel dito.
Ilang oras din kaming nag-aayos nakakapagod pala 'to pero okay lang para kay Miguel. Oh sa mga nagtatanong diyan kung ano ba kami ni Miguel. Magkaibigan lang kami. Soon baka malay natin maging kami. Ang harot talaga.
"Isa na lang 'yan napakatagal mo pa Azi." Reklamo ko kay Azriela.
"Eh bakit ba? Baka pumutok 'to sayang lang."
"Bilisan mo na para mapapunta na natin sila dito." Sabi ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang ginawa namin.
Simple lang naman 'to may balloons at may nakalagay na Happy Birthday Miguel. May nakalagay din na pictures niya at color black and white with brown and gray ang theme kasi fave colors niya 'yon.
YOU ARE READING
Between Pages and Reality
RandomAurora Isabelle Ortega a woman who loves reading, her life is reading, her comfort is reading, her happiness is reading. She always do reading when she's sad or frustrated, and if she want to escape the world. She is contented on what she had in her...