"Good morning, Mommy and Daddy." Bati ko sa kanila pagbaba ko.
"Good morning, guys..." Nakangiting bati ko rin sa mga kaibigan ko.
"Good morning, Elle." Sabay na bati nila sa akin.
"Good morning, Anak." Nakangiting bati ni Mommy at pinagsandok ako ng pagkain.
Nginitian ko si Mommy at nagpasalamat ako pag-abot niya sa akin ng plato ko. Halatang may hang-over 'tong mga kaibigan ko ang tatahimik kasi tapos lukot na lukot ang mga mukha nila.
"Nagpahanda ako kay Manang ng soup para matanggal hang-over niyo." sabi ni Mommy kila Azriela.
"Thank you po, Tita." Pagpapasalamat ni Azriela kay Mommy.
Magkatabi kami ni Mommy at sa kabilang side ko naman si Miguel. Halatang masakit din ang ulo niya parang lantang gulay siya.
"Good morning..." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Good morning, madame baby. Sobrang sakit ng ulo ko... Hindi na talaga ako iinom." Reklamo niya na ikinatawa ko. Hindi na raw siya iinom, sinong niloko niya. Kakainin lang niya ang sinabi niya panigurado.
"Sus, maniwala ako sa 'yo." Natatawang sabi ko at nilagyan ng kanin ang plato niya at ulam. Nilagyan ko rin ng soup ang mangkok niya para makakain na siya.
Napansin kong inaasikaso ni Mommy si Daddy, si Zara naman si Benj, at si Azi inaasikaso niya rin si Kai. Pare-pareho lang naman silang may hang-over pero parang nawalan ng kamay ang mga 'to gusto pa talagang pagsilbihan sila e.
Reklamo ako ng reklamo sa isipan ko pero heto ako ngayon inaasikaso rin si Miguel. Para akong nag-aasikaso ng anak ko e. My big baby.
"Madame, ako na." Mahinahon na sabi niya sa akin at kihuha ang hawak kong sandok at pinaupo niya na ako. "Kain kana, kaya ko naman e... Nag-iinarte lang yung dalawa pero ako okay lang ako basta kasama ka." Nakangiting banat niya kaya naman hinampas ko siya at muntik pa malaglag ang hawak niyang mangkok.
"Sorry..." Pagpapaumanhin ko sa kaniya. "Ikaw kasi e bigla na lang bumabanat." Paninisi ko sa kaniya kaya naman natawa siya.
May kaniya-kaniya kaming topic habang kumakain. Sila Mommy at Daddy nag-uusap tungkol sa business namin at sila Azi, Kai, Benj at Zara may sariling topic din. Kami naman ni Miguel pinag-uusapan yung naganap na surprise kahapon.
"Alam mo ba madame baby, sobrang saya ko kahapon... Sobrang thank you ah." Pagpapasalamat niya sa akin at hinawakan pa ang kamay ko kaya naman nahinto ako sa pagkain.
"Welcome po... Basta para sa 'yo gagawin ko ang lahat para maging happy ka." Nakangiting sabi ko sa kaniya kaya naman namula siya. Ganto pala siya kiligin ang cute.
"Ikalma mo lang, ako lang 'to future wife mo." Proud na sabi ko habang kinakain ang fried chicken.
"Yes naman! Ikaw lang ang iibigin madame..." Banat niya kaya ako naman 'tong namula sa sobrang kilig.
"Gagi, tama na nga." Awat ko sa kaniya dahil balak niya pa sanang humirit ng isa pang banat.
Inawat ko na siya baka magmukha na talaga akong kamatis dahil sa sobrang pamumula dahil sa kilig.
"Kinikilig oh. Ikalma mo lang madame, ako lang 'to future hubby mo..." Nakangiting sabi niya at sabay kindat pa kaya naman natawa ako.
"Ewan ko sa 'yo." Pagpapatigil ko sa kaniya. Ayaw manahimik e andaming baon na banat.
Natapos na kaming kumain kaya naman nagpaalam sila kila Mommy na kung pwede ba magswimming at pumayag naman si Mommy.
Ready na ready sila dahil may baon pang swimsuit sila Azriela parang maliligo lang sa beach, e.
YOU ARE READING
Between Pages and Reality
RandomAurora Isabelle Ortega a woman who loves reading, her life is reading, her comfort is reading, her happiness is reading. She always do reading when she's sad or frustrated, and if she want to escape the world. She is contented on what she had in her...