"Pahiram." Sabi ni Zara sabay takbo. Damn this girl ang sarap talagang sabunutan.
"ZARA DEMONISE COME BACK HERE!" Sigaw ko pero parang wala siyang naririnig.
"Ano ba ibalik mo sakin 'yan, maghahalikan na sila." Sabi ko sa kanya at hinabol siya.
Bwisit sarap niyang sabunutan, maghahalikan na nga kasi yung female at male lead sa kwentong binabasa ko tapos hinablot niya yung libro. Damn.
"Sumbong kita kay tita nagbabasa ka nito." Natatawang sabi niya at binilisan pa yung pagtakbo niya.
Hinayaan ko nalang siya at hindi na hinabol pa, babalik din naman 'yon.
Nandito kami sa park ngayon kasama rin namin si Azi, busy siya sa phone niya kaya hindi ko na inistorbo.
Antagal bumalik ni Zara gusto ko na magbasa.
"Oh bakit nakasimangot ka?" Tanong ni Azi sakin sabay upo sa may tabi ko.
"Si Zara hinablot na naman libro ko." Nakasimangot na sabi ko.
"Hindi kana nasanay don palagi naman siyang ganon." Natatawang sabi niya.
"I know naman pero kasi nasa exciting part na ako roon sa binabasa ko." Nakasimangot na sabi ko kaya naman natawa si Azi at tinanong ako.
"Alam ko kung ano 'yan, maghahalikan na diba?" Nakangising sabi niya. Kabisado talaga niya ako kaya alam niya agad kung ano ang tinutukoy ko.
"Yes, kaya nga nakasimangot ako first kiss nila yon e tapos hinablot ni Zara yung libro." Nakasimangot pa rin na sabi ko. Hindi ako sasaya hanggat hindi bumabalik si Zara.
"Hayaan mo na, huwag ka ng malungkot ayan na siya oh." Turo niya at parating na nga si Zara dito sa may pwesto namin.
Napangiti naman ako at sinalubong agad si Zara para kuhanin yung libro.
"Grabe ka akala ko hahabulin mo ako, ang layo ng tinakbo ko Elle tapos nung paglingon ko hindi mo pala ako hinahabol. Bwisit ka." Hinihingal na sabi niya at inabot yung libro sakin.
"Well hindi naman kasi ako aso para habulin ka and I don't care naman if you hablot the libro sakin kasi I know babalik ka rin." Nakangising sabi ko at tinapik siya sa balikat.
"Tanginang 'yan, umayos ka nga hindi mo bagay, magtagalog ka nalang." Iritadong sabi ni Zara, at si Azi naman natatawa dahil sa bangayan namin ni Zara.
"Basher ka talaga, shooo away." Natatawang pangtataboy ko sa kanya.
Umupo na ako para makapagbasa ulit.
Nasa exciting part na ako.
Maghahalikan na sila ayan na Oh My God...
Putangina! Ang malas naman umulan pa talaga.
Hindi ko pa nababasa e, bakit naman ganito huhu. Sumilong muna kaming tatlo at nabasa yung dala kong libro. Ano ba namang kamalasan 'to Lord.
"Kawawa naman oh hindi pa nga nakakapagbasa ng maayos umulan pa, hindi mo talaga kakampi ang tadhana." Asar sakin ni Zara.
"Fuck you. Shut up." Inis na sabi ko sa kanya.
"Grabe naman 'yan, Elle. Susumbong kita kay Tito." Asar ulit niya sakin.
"Ulol, pake ko sayo. Kainis ka." Inis na sabi ko at sumimangot. Kainis.
Napansin ko namang natatawa si Azi kaya sinuway ko. "Walang nakakatawa Azriela kaya manahimik ka pwede ba." Inis na suway ko chaka padabog na umupo.
"Aba napaka init naman ng ulo mo. Pustahan meron ka no?" Natatawang tanong ni Azi.
"Wala kang pakialam." Inis na sagot ko pero natawa lang siya.
YOU ARE READING
Between Pages and Reality
DiversosAurora Isabelle Ortega a woman who loves reading, her life is reading, her comfort is reading, her happiness is reading. She always do reading when she's sad or frustrated, and if she want to escape the world. She is contented on what she had in her...