R-18: This chapter contains mature content.
CHAPTER SIX
Hindi ko na namalayan na sa study room pala kami nagtalik ni Adonis. Sabi niya, wala namang nakarinig ng aming mga ungol kahit gaano pa iyon kalakas dahil soundproof naman ang kwartong iyon.
"Kamusta ang unang gabi mo dito?" sabi ni Apollo. Hindi ko na namalayan na nakauwi pala siya kaninang madaling araw. Masyado akong nag-enjoy at napagod sa ginawa namin ni Adonis. "I heard na nakilala mo na rin daw si kuya Adonis," sabi niya sabay lingon kay Adonis na abala sa kanyang pagkain ngayon.
Siguro ay masyado siyang nagutom dahil hindi siya kumain kagabi. Pero kinain niya naman ako, kaya baka kahit paano ay nabusog na siya. Matapos namin sa Study Room, nagtungo kami sa aking kwarto upang umisa pa ng isa pang round. Iba iyon sa una. Mas mapusok at mainit!
"Ah, oo, masaya naman pala kasama ang kuya mo," sagot ko sa kanya at bahagyang ngumiti. Masaya siyang kasama, lalo na sa kama.
Nakita ko ang pagngisi ni Adonis na nakakaloko. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagkagat muli sa aking pangibabang labi.
"That's great," si Apollo at sumubo. "Anyways, kuya, Dad wants you to do something. Pumunta ka mamaya sa office kasama ko," balik ni Apollo.
Hindi ko mapigilan ang sarili na magtanong. "Ako ba? Kailangan ba akong tumulong sa negosyo?" tanong ko kay Apollo. Nakita ko ang pagkabigla niya. "Wala kasi akong alam sa mga ganyan eh," paliwanag ko.
"Wala pa kasing sinasabi si Dad eh, baka sa pag-uwi niya na lang," sagot ni Apollo sa akin.
Habang tumatagal, parang mas na-i-intriga ako kung sino ba talaga ang Tatay ko. Dumating ako dito sa bahay na wala siya at ilang linggo pa bago siya umuwi. Hindi niya rin naman ako kinakausap kahit sa cellphone. Sigurado naman ako na alam niyang nandito na ako sa bahay niya.
"Kung gusto mo, sumama ka sa akin mamaya sa opisina para may idea ka kung ano ang nangyayari doon," suhestiyon ni Adonis.
"Huh? Eh 'di ba ayaw mo ng may istorbo sa'yo kapag nasa opisina ka na? Kaya nga ayaw mo noon akong isama sa'yo eh," sabi ni Apollo. Bumaling siya sa akin at muling matamis na ngumiti. "Gusto mo, sa akin ka na lang sumama sa pagbisita sa taniman," sabi ni Apollo.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Adonis sa sinabi ng kanyang kapatid, "Isasama mo agad si Theo sa taniman ng mga tubo at mais? Kainit-init doon eh," tutol ni Adonis sa kanyang kapatid.
"Baka kasi kung ano gawin mo sa kanya kapag napikon ka na," nag-aalang-alang si Apollo.
"C'mon, siguradong papalayasin ako ng Daddy mo kapag ginawa ko 'yun," paniniguro naman ng kanyang kapatid.
Maganda din ang sinabi ni Adonis na isama ako sa opisina, para kahit paano ay may ideya ako kung ano ang mga ginagawa doon. Hindi ko naman hangad na makuha iyon, ang gusto ko lang ay maging familiar sa magiging buhay ko.
Pumayag naman si Apollo, kaya nang matapos na akong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko upang mamili ng susuotin ko para mamaya. Sabi kasi ni Adonis ay maya-maya lang aalis na rin kami.
"Theo?" tawag sa akin ni Apollo. Kaya nagtungo agad ako sa pinto upang buksan siya. "Wow, the black bathrobe suits you ah," papuri niya sa akin.
Napangiti naman ako doon. Noong nag-aayos kasi ako ng damit ko, nakita ko ito sa CR. Nagustuhan ko siya dahil gawa ito sa silk at very elegant ang design na pula sa laylayan.
"Ah, nakita ko kasi sa CR ko na nakahanger, kaya sinuot ko na rin," paliwanag ko sa kanya.
"Buti nagustuhan mo 'yung binili ko," wika niya at ngumiti sa akin. "Anyways, I came here to say goodbye, I have to go. Susunduin na lang kita sa opisina para lumabas sana tayo, to have a brother bonding," tumango naman ako sa kanya bilang tugon at umalis na siya.
YOU ARE READING
Sinful Affair
Mystery / ThrillerTheo was an orphaned kid, but when he turned 18, it was revealed that he was the long-lost son of the biggest business tycoon, Amaldeo Vergara, who already had two son. Theo, being the illegitimate child, had been placed in an orphanage by his mothe...