R-18: This chapter contains mature content.
CHAPTER SEVEN
"Kinakabahan ka ba?" tanong sa akin ni Adonis habang nagda-drive. "Kilala ka naman na doon, dahil bago ka pa man dumating sa mansyon ay ipinakilala ka na ng kapatid mo. Ganoon siya ka-excited sa pagdating mo," dagdag niya.
"Nagtataka lang ako, bakit parang sabik na sabik siya na magkaroon ng kapatid? Eh hindi ba andiyan ka at kasama niya?" tanong ko sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko rin alam, noong una nga ay ayaw niya, ngunit nagulat nalang ako nang siya na mismo ang nagprisinta kay Sir Amaldeo," paliwanag niya. Mas lalo akong naguguluhan.
Kung ayaw niya sa akin noong una, ano ang bagay na nakapagpabago sa kanyang isipan?
"Ilang araw na ako sa mansyon at hindi ko pa rin nakikita ang tunay kong ama," wika ko sa sarili ko.
"Mukhang uuwi na rin agad si Sir kapag natapos na ang business doon," pagpapalakas ni Adonis ng aking loob. Kanina sa biyahe, madalas niya akong tanungin at kuwentuhan upang hindi mainip, at hindi ko alam pero muli kong nararamdaman ang paru-paru sa aking tiyan. "Andito na tayo," aniya at huminto sa tapat ng isang malaking gusali kung saan may isang lalaking nakaabang sa amin.
Naunang bumaba si Adonis at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ako agad nakagalaw sa aking kinalalagyan dahil sa sobrang kilig. Dati-rati, sa mga palabas sa TV ko lamang napapanood ang ganito; hindi ko naman akalain na mararanasan ko ito.
Ibinato ni Adonis ang susi sa lalaking nag-iintay sa amin. Nasapo naman nito ang susi. Mas gumwapo si Adonis sa suot niyang navy blue na suit at pants. Mas formal siya ngayon at putok na putok din dito ang malapad niyang balikat.
"Everyone!" pag-agaw ni Adonis ng atensyon sa lahat. Lahat naman ay tumigil sa kanilang ginagawa at nang makita nila ako, tumayo silang lahat. Mukhang kilala na nga nila ako. "Ang anak ng boss si Theo, expect niyo na makikita niyo siya ng madalas!" saad ni Adonis, na agad ko namang pinandilatan.
Anong madalas? Ang alam ko ay itutour lamang ako dito! "Akala ko ba ay sasama lang ako ngayon upang magka-ideya?" bulong na tanong ko sa kanya.
"Relax, mamaya sasabihin mo din sa akin na gusto mong bumalik-balik dito," tugon sa akin ni Adonis.
Hindi kami agad nagtungo sa opisina niya. Inilakad niya muna ako sa mga lugar ng building. Dinala niya ako sa cafeteria sa itaas, sa Marketing department at Accounting department. Dinala niya rin ako sa Internal Audit at ipinakilala sa mga tao doon dahil iyon daw ang madalas niyang makasalamuha.
"And this is the office of the president, the office of your father," sabi ni Adonis at huminto sa tapat ng isang malaking pinto. Sa itaas noon ay may nakasulat na Office of the President (OP) at sa ibaba noon ay pangalan ng aking ama. "Iyang nasa kaliwa mo? Iyan ang Office of the CEO," tulad ng sa tatay ko, may nakasulat din na Office of the CEO sa taas ng pinto at pangalan ni Apollo sa ibaba.
Ibig sabihin ay si Apollo ang CEO ng kumpanyang ito. Inilinga ko ang aking mata at nakita ko na ang katapat na pinto ay ang Office of the COO, ang opisina ni Adonis. Pumasok kami dito. Ang mga silid nila dito ay gawa sa salamin kaya naman transparent ang mga ito at makikita mo ang ginagawa nila sa loob.
"Pumasok na tayo," aniya at pinagbuksan ako ng pinto.
Nang makapasok na kami, hinubad ni Adonis ang kanyang suit at sinampay iyon, naupo siya sa kanyang upuan at binuksan ang kanyang computer. Mukhang magsisimula na siyang magtrabaho. Seryoso ang kanyang mukha habang abala siya sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam gaano ako katagal siyang tinitigan ng ganoon.
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko? Ilang beses mo na ito natikman ah?" sarkastikong saad ni Adonis na abala pa rin sa kanyang ginagawa. Balak ko sanang umangal ngunit may pinindot siya sa kanyang lamesa at nagsalita agad. "Catherine, paki-pasok dito yung mga files ng performance last month."
YOU ARE READING
Sinful Affair
Mystery / ThrillerTheo was an orphaned kid, but when he turned 18, it was revealed that he was the long-lost son of the biggest business tycoon, Amaldeo Vergara, who already had two son. Theo, being the illegitimate child, had been placed in an orphanage by his mothe...