CHAPTER NINE

485 17 0
                                    

CHAPTER NINE

"Nakahanda na ba ang lahat?" dinig kong tanong ni Apollo sa kanyang mga kasambahay sa labas.

Ang sabi ay bukas na daw uuwi ang Tatay ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa kanya. Naghalo ang kaba at excitement ko sa kanya. Hindi ko nga alam anong itatawag ko sa kanya—daddy ba, tatay, o papa?

"Para kang turumpo," si Adonis, simple lang na nakaupo sa aking sofa. Nasa kwarto siya ngayon at nakikitambay raw. "Ano bang problema mo?" tanong niya.

"Hindi ko kasi alam kung ano ba mararamdaman ko, naguguluhan ako. Kinakabahan ba ako o na-e-excite? Tsaka paano ko siya tatawagin?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Ibinaba niya ang iPad na hawak niya at lumapit sa akin. I was wearing my favorite bathrobe na binili ni Apollo. Kinuha niya ang aking kamay at ngumiti sa akin. Parang tumigil ang mundo ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang dahan-dahan siyang yumuko sa akin. Inilapit niya ang kanyang bibig sa akin, at naamoy ko na ang mala-mentol niyang hininga.

"Gusto mo bang mag-relax with me?" pabiro niyang tanong. Bahagya pa siyang natawa nang makita ang reaksyon ko! "Just kidding! What's with your face? Parang wala pang nangyayari sa atin ah?" puna niya.

Parang nadurog ang puso ko sa ginawa niya. Nag-expect ako, noon pala ay kalibugan lang pala ang sasabihin niya! Padabog ko siyang iniwan sa loob at lumabas ng kwarto ko. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko, ngunit hindi ko na siya pinansin.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Apollo. Hawak niya ngayon ang kanyang laptop at mukhang may ginagawa siyang mahalagang bagay.

"Magpapahangin lang ako sa labas," sagot ko at nagtungo na sa labas dahil baka maabala ko pa siya.

Naabutan ko si Gelo na nagdidilig ng mga halaman. Nang makita niya ako ay mabilis siyang nag-ayos at mukhang aalis na. Siguro ay naiilang siya sa akin dahil sa ginawa ko noon sa kanya.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

Bahagya siyang nataranta at hindi alam kung anong gagawin sa hose na kanyang hawak. "A-ako po? Ba-bakit ko naman kayo iiwasan?" kabado ang kanyang boses.

"Good, kaya samahan mo ako ngayon maglibot," utos ko sa kanya at nilagpasan na siya.

"Ako? Ba-bakit po ako?" tanong niya sa akin. Bahagya naman ako nainis doon.

"At bakit naman hindi?" tanong ko pabalik. "Bilis, tara na, huwag ka mag-alala, hindi kita re-rape-in," saad ko sa kanya.

Maganda ang garden, halatang inaalagaan ito ng mabuti. May nakita akong rosas na nakatanim hindi kalayuan kaya agad akong nagtungo doon at pumitas ngunit natusok ako ng mga tinik.

"Ako na po ang kukuha para sa inyo," sabi ni Gelo at kinuha ang kanyang balisong at pumitas ng rosas at tinanggal ang mga tinik nito. "Para din po pala kayong Nanay nila Sir Adonis at Sir Apollo, mahilig sa bulaklak na rosas," aniya at inabot sa akin ang mapulang-mapula na rosas.

Inamoy ko ang mabango at sariwa nitong amoy, mukhang naalagaan ng mabuti. "Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang Nanay nila, hindi ko din alam kung mag-asawa naman ang Mama nila at Tatay ko noong magkaroon ng relasyon sina Tatay at Mama," tugon ko sa kanya at naupo sa isang bench.

"Ayon po sa balita ng mga kasambahay dito, may naging babae nga daw po noon ang Senyor at malimit ay ang Mama niyo po 'yun," pagkukuwento niya sa akin at tumabi.

"Kung gayon, kung makikita ko man ang Nanay nila, hihingi ako ng kapatawaran sa ginawa sa kanya ng magulang ko," may kalungkutan kong saad. Nakita ko ang kanyang pagtingin sa akin at naalala ang kapilyuhang ginawa ko. "Oo nga pala, pasensya na sa ginawa at sinabi ko sa'yo noong unang araw ko dito," may sinseridad ang boses ko.

Sinful AffairWhere stories live. Discover now