CHAPTER 12

354 17 1
                                    


CHAPTER 12

"Theo? Anong ginagawa mo diyan?" boses iyon ni Apollo! Ngunit dahan-dahan akong lumingon at umaasang si Gelo lamang iyon! "Akala ko ay maliligo ka na?" tanong muli ni Apollo sa akin. Siya nga!

"Ano... kasi... Tama! Di ba hinahanap mo ang kuya mo? Tinulungan na kitang maghanap, sinubukan ko siyang katukin ine," pagsisinungaling kong muli.

"Nanggaling na ako diyan, kaya lang wala siya. Baka may pinuntahan," sagot ni Apollo. Nasa kabilang hall kasi ang kwarto niya, katabi ng kwarto ni Tatay, habang ang amin ni Adonis ay andito sa malapit sa hagdan.

Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango na kunwari ay sumasang-ayon sa kanya, kahit alam ko na nasa loob lang siya ng kanyang kwarto at walang saplot! Ang loko kasi na iyon, hindi ko alam kung anong naisipan, samantalang 'yung kating-kati na siya ay hindi niya na lang tawagan ang kanyang girlfriend.

"Bakit, Apollo?" si Adonis! Ang loko at lumabas pa talaga! Hindi na lang nag-stay sa loob!

"Oh? Kailan ka pa andiyan?" tanong ni Apollo sa kuya niya. Nilingon ko si Adonis at tiningnan siya ng masama! "Nanggaling na ako diyan kani-kanina lang," dagdag pa ni Apollo.

"Uhm... Mauna na ako sa inyo," paalam ko kay Apollo at mabilis na nagtungo sa kwarto ko! Para akong hinabol ng aso sa sobrang layo dahil sobrang hingal ko nang makarating ako sa kwarto ko!

Hindi ko alam kung ano pa ang pinag-usapan nung dalawa pero inilublob ko na lang ang sarili ko sa bathtub ko at doon ipinahinga ang pagod kong utak at katawan. Ngunit hindi ko maiwasang hindi maisip ang halik na iginawad ni Adonis. Ayokong umasa pero iba ang naramdaman ko sa halik na iyon.

Halos isang oras akong nakababad bago tuluyang maglinis at maghanda na. Ibinili ako ni Tatay ng ibang mga damit kaya naman nahihirapan ako kung ano ba ang susuotin ko. May binili siyang long sleeve na kulay blue, balak ko sanang ito na lang ang suotin ko.

"You look good tonight," papuri sa akin ni Apollo. "Ngayon lang?" pabiro kong tanong sa kanya at bahagyang tumawa. Bahagya din naman siyang tumawa. "What I mean is, you look more good tonight," pagtatama niya sa sinabi niya kanina. Bahagya ko namang tinapik ang kanyang braso.

"Ano ka ba, binibiro lang kita eh," saad ko sa kanya. Hindi na kami nakapag-usap dahil may ibang mga bisita nang dumating.

Lahat ng dumalo sa pagsasalo ay mga kasamahan ni Tatay sa negosyo. Buong gabi atang nasa tabi lamang ako ni Tatay dahil ipinakikilala niya ako sa mga kakilala at kasama niya. Ngunit isa lamang ang napansin ko, mukhang malayo si Adonis? Hindi siya katulad ni Apollo na humaharap sa ibang mga business partner gayong siya ang mas matanda sa kanila. Dahil ba hindi siya anak ni Tatay?

"I'm glad you finally found your long-lost son, Sir," wika ng isang lalaking mukhang hindi ganoon kalayo ang edad sa akin, mukhang mas matanda lamang siya sa akin ng dalawang taon o tatlo. May kasama siya na isa pang lalaki na mukhang kaedad naman iyon ni Adonis. Kung hindi ako nagkakamali ay 25 na si Adonis.

"Maraming salamat, Eun. Tila bago ang iyong kasama?" tanong ng aking Tatay. "Fiancé ko po, si Ruel," pagpapakilala ng binata sa kanyang kasama.

Hindi ko maiwasang mabigla dahil hindi ko akalain na boyfriend niya ang kanyang kasama. Tulad ko ay nabigla din si Tatay, hindi siya agad nakapagsalita at naramdaman ko ang awkward nito kay Eun.

"You must be Theo?" pagbaling nito sa akin. "I'm Eun, it's nice to meet you," saad niya at inabot ang kanyang kamay.

"Kinagagalak kitang makilala," saad ko at ngumiti sa kanya.

Nagpaalam na din sila ng kanyang fiancé at nagtungo sila kay Apollo na tila alam ang relasyon ng dalawa. Ngunit hindi ko maiwasang tingnan ang fiancé ni Eun. Hindi ko kasi makita sa mga mata niya na in love siya, bagkus ay nanatiling blangko lamang iyon at walang emosyon, hindi katulad ni Eun na mababakas mo na ang kagalakan sa kanyang mga mata.

"Mukhang mahal na mahal siya ng kanyang ama, na kahit nag-iisa lamang siyang anak na lalaki ay hinayaan siyang pumili ng taong mamahalin niya. Nawa'y tama lang ang kanyang piniling pakasalan," si Tatay na ako ata ang kinakausap. "Kung sakaling ikaw man ay umibig, handa kong tanggapin siya maging anong kasarian pa man niya, hangga't tao. I'll be happy for you," dagdag niya dahilan upang mapalingon ako sa kanya at tanging ngiti lamang ang kanyang ginawad sa akin.

Batid kaya ni Tatay ang namamagitan sa amin ni Adonis? Kung sakaling alam niya man, nawa'y batid niya din na walang kahit anong relasyon ang mayroon kami. Kung sakaling mayroon ay hindi hihigit sa pampalipas ng oras lamang.

Tiningnan ko si Adonis na mag-isa sa lamesa. Tangka ko na sana siyang lalapitan nang makita ko na may isang babae ang lumapit sa kanya. Nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan. Ilang sandali lang din ay tinawag na ako ni Tatay upang ipakilala sa lahat.

Maraming sinabi si Tatay ngunit hindi ko na iyon naintindihan. Ni hindi ko nga din alam kung paano akong nakaakyat sa stage at bumaba, gayong wala ako sa aking sarili and all my focus was on Adonis and the girl who sat beside him!

Inikot ko ang aking mata nang unti-unti nang magsialisan ang mga tao, hinahanap ko kung nasaan sila Adonis at ang babaeng naupo sa kanya. Iba iyon sa kasama niya sa bahay noong nakaraang araw!

"Theo? Anong ginagawa mo dito?" si Gelo na nagliligpit ng ilang mga gamit sa hardin. "Nakita mo ba sila Adonis?" tanong ko agad sa kanya. Hindi na ako natatakot dahil alam ko naman na hindi ako ilalaglag ni Gelo. "Kanina lang ay may kasama siyang babae, ngunit ngayon ay biglang nawala," sabi at inikot ang aking mga mata upang hanapin ang dalawa.

"Naku, malimit ay nasa kwarto na ni Sir Adonis sila at gumagawa na ng milagro—" hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ni Gelo dahil iniwan ko na siya doon sa likod.

Mabilis akong nagtungo sa loob ng palasyo at tama nga si Gelo, nasa labas pa lang ng silid sila Adonis at ang babae. Mapusok silang nagpapalitan ng mga halik! Ang kamay ni Adonis ay abala sa paghimas sa makinis na hita ng babae!

Nagbabadyang lumuha ako nang lumabas ng mansyon. Sa paglabas ko ay may alak na bote akong kinuha. Hindi ko alam ang tawag doon dahil ngayon ko lamang iyon nakita. Ang katunayan ay ngayon pa lamang ako iinom ng alak. Batid ko ang pagkagulat ng waiter sa akin nang agawin ko sa kanya ang bote, ngunit wala na siyang nagawa nang tunggain ko iyon. Parang isang kutsilyong matalim iyon na gumuhit sa aking lalamunan! Mainit sa dibdib at nanatili sa lalamunan ang matapang nitong lasa. Agad akong nagtungo kay Gelo.

"Putang ina, kanina lamang ay nais pa sa akin makipagtalik, ngayon ay sa iba na naman nais pumutok ang gago," bungad ko kay Gelo na tila nagulat pa sa akin.

"Anong—Teka? Bakit mo ginagawang tubig ang alak?!" bakas sa mukha ni Gelo ang kanyang pagkagulat. Mabilis niya akong inakay sa gawing tago ng hardin at pinaupo sa berdeng mga damo.

"Ang sabi ko naman sa iyo ay tanging trabaho lamang ang sineseryoso ni Sir Adonis, hindi ka dapat nagpadaig," muli niyang paalala sa akin.

May ilan pang sinabi si Gelo ngunit hindi ko na nagawang pakinggan iyon dahil patuloy lang ako sa paglagok ng alak at malapit nang maubos ang alak na kinuha ko sa waiter.

"Sabi ko naman kasi sa'yo mag-ingat ka," dagdag niyang muli.

Muli akong lumagok sa bote ng alak bago muling magsalita. "Malay ko bang mahuhulog ako sa tarantadong iyon!" Batid kong may tama na ako ng alak dahil apektado na nito ang aking boses, gayundin ang aking paningin. Parang umiikot na ang paningin ko. "Alam mo ba ano ginagawa nila?" tanong ko kay Gelo ngunit hindi naman ito sumagot. "Ganito oh," saad ko at binitiwan ang bote.

Inilapit ko ang aking mukha kay Gelo at marahas na siniil ang kanyang labi. Sandaling hindi nakagalaw si Gelo ngunit kalaunan ay gumanti na din ito ng halik. Ihiniga niya ako sa damuhan habang hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Natigil lamang ang aming halikan nang hubarin niya ang kanyang saplot pang-itaas. Namalayan ko na lang din na minamasahe na niya ang aking dibdib at ang aking kamay ay nakapasok na sa kanyang pantalon.

Hindi ko alam pero tila hinayaan kong ang alak ang kumilos ngayon, dahil siguro sa sakit na nadama ko kay Adonis at sa pagnanais kong patunayan na hindi lamang siya ang aking magiging lalaki.

"Theo, is that you?" tila nawala ang aking pagkalasing nang dahil sa boses na iyon! Parang binuhusan ako ng isang balde ng tubig na puno ng yelo upang manlamig!

Sinful AffairWhere stories live. Discover now