EPISODE 27- REASON

1.5K 45 19
                                    

CONTINUE.......

Nandito pa din kami sa labas ng university kung saan parehas kaming tahimik na naka'tingin sa paligid. Natahimik kami parehas dahil sa sinabi namin sa isa't isa. Hanggang ngayon ay hindi pa din alam kung bakit ganito na lang yung pinag uusapan namin, alam kong hindi din enough na reason yung sinabi niya para tumigil na ako sa kaniya.

"Vergara, why don't you just listen to me?" Seryosong sabi niya sa'akin at seryoso din na naka'tingin sa'akin.

"Gusto ko nga po kasi kay--" Hindi ako natapos sa sasabihin ko ng bigla siyang mag salita.

"Vergara, you just can't understand" Sabi naman niya na naka'tingin sa'akin at bumu'ntong hininga ng malalim.

"Ano po ba talagang rason niyo kung bakit ayaw niyo akong magustuhan?" Tanong ko naman sa kaniya at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na itanong 'yon sa kaniya.

"There's a lot of reasons, a lot..." Seryosong sambit naman niya sa'akin tyka tumayo.

"If you won't stop this, then I will" Seryosong sambit niya sa'akin at hindi na ako hinayaan pang mag salita ng bigla na siyang umalis.

"Haytss!" Sabi ko naman ng tuluyan ng maka'layo si Prof Robles.

Nag stay muna ako ng 10 minutes bago bumalik sa loob ng university. Meron na lang isang oras at malapit na mag uwi'an. Hindi ko na nakita pa sina Maloi ng matapos ang isang oras. Nag decide na'ko na umuwi na at ng makauwi ako ay tyka lang ako nag message sa kanila na naka'uwi na ako.

[ FAST FORWARD: LAST DAY OF FOUNDATION WEEK ]

Nandito kami ngayon sa Cafeteria at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko after namin mag usap ni Prof Robles. Hindi pa din mawala sa isip ko kung ano man yung pinag usapan naming dalawa. Tahimik lang ako at nakatulala.

"Hoy anyare sa'yo? Ngayon na nga lang ulit ako pumasok tapos ang lungkot mo pa" Sabi naman ni Lorraine at doon lang ako natauhan dahil sa pagka tulala ko kanina pa.

"Broken kasi yan, Sis!" Pabirong sabi naman ni Maloi at binigyan siya ng matalim na tingin. Sa kaniya ko lang kasi sinabi yung nangyari.

"Tumigil ka nga diyan, Maloi" Seryosong sabi ko naman kay Maloi at binalik ang tingin kay Lorraine.

"Nababaliw na ata ako, she's ignoring me for almost two days 'til now" Wala sa mood na sambit ko sa kanilang dalawa.

"Kesa mag mukmok ka diyan, bakit hindi ka gumawa ng paraan para pansin'in kana niya?" Biglang salita naman ni Maloi na at napa'isip naman ako bigla.

"Sinubukan kona Maloi, pero wala eh. She's treating me like air" Sabi ko naman sa kanilang dalawa at bumu'ntong hininga.

"Ganito na lang after na lang ng finals natin tyka mo siya suyuin"  Sabi naman ni Lorraine at doon ako mas nakakuha ng idea.

"Alam mo naman na kailangan mo pa din i'maintain ang pagiging top one mo diba?" Dagdag niya pa at doon ako mas bumu'ntong hininga dahil malapit na nga pala ang finals namin. Kailangan kong ma'sure na hindi ako babagsak sa ranking.

"Yeah! Thank you guys!" Sabi ko naman sa kanila at tumango lang ang mga ito.

After namin mag usap ay bumalik na kami sa kaniya kaniya namin'g building at room. Saktong dating ko sa loob ay wala pa ang Professor kaya naka'hinga pa ako ng malalim. Ilang minuto lang din naman ang lumipas at dumating na din si Prof Gonzalez.

"Good afternoon, Class" Naka'ngiting greet sa'amin ni Prof Gonzalez at diretsong naka'tingin sa'akin na ikina'iwas ko.

"Thank you! Pwede na kayong umupo" Sabi naman niya after namin siyang i'greet pabalik. Umupo na kami at nag start na siyang mag turo ng new lesson sa amin.

MY PROFESSOR ROBLES Where stories live. Discover now