Chapter 5

487 12 1
                                    

NAKATITIG si Aubrey sa harap ng computer. Natapos na niya ang ipinaayos ni Dave nang tumunog ang intercom.

"Outside call," usal niya at saka iniangat ito.

"Heir Shipping? I need to talk to Dave," sabi ng mataray na boses sa kabilang linya.

Salubong ang kilay na ikinonekta ng dalaga ang tawag. "Just hold on and I will transfer you to Mr. Santillan," aniya na hindi tinawag na "Ma'am" ang kausap. Dahil parang kumukulo ang dugo niya rito. Lalo pa't narinig niyang umiba ang boses nito nang magsalita si Dave sa kabilang linya.

Naging bedroom voice ang pagtawag ng babae ng "honey."

Flirt... bulong niya nang maibaba ang hawak.

Wala pang sampung minuto nang tumunog uli ang intercom. Si Dave sa pagkakataong iyon, at ipinatatawag siya nito.

Pagpasok niya sa pribadong opisina nito'y napasandal ang binata sa swivel chair.

"Sit down, Audrey," seryoso nitong sabi nang makita ang dalaga. "I called my assistant and our marketing director, and they are all busy. Yet I am not in a position para magpunta sa isang business appointment," anang binata nang makaupo na siya. "Ikaw ang mag-proxy sa akin sa Intercon. You are very much qualified to conduct this business transaction with Mr. Lao."

"What?!" bulalas niya na hindi na nagawang makaupo, may pagtatakang namutawi sa mata habang nakatitig sa binata.

"I can't attend that business meeting. May importanteng commitment akong tinanguhan kanina."

"But they are expecting you! Tinanguan ninyo ang business transaction na ito," protesta niya. Dahil hindi niya lubos-maisip na siya ang makikipagharap para mag-close ng deal para sa lalaki. "And besides, I'm only an ordinary employee."

"So what? Dumaan sa 'yo ang mga transactions. Nabasa mo, lalo na kapag pina-retype ko sa iyo. And don't worry, kasama mo si Miss Acierte, ang junior marketing executive ng kompanya."

Pero hindi pa rin siya mapanatag. Kahit pa man sabihing bihasa siya sa ganoong gawain dahil ang pagko-close ng deals ay trabaho niya noon sa Zamboanga. Nasa dibdib pa rin niya ang pag-aalinlangan sa gustong mangyari ng lalaki. Dahil baka sa pagkakataong iyon ay hindi niya magampanan ang dapat.

"Okay, I promise na susunod din ako," banayad na wika ni Dave nang makitang hindi kumporme ang dalaga.

Alanganin namang tumango si Aubrey. "Do you promise?" aniya na parang bata. Ngiti ang isinagot ng kaharap. "Pero huwag mo ako sisihin kapag pumalpak," maagap niyang babala.

Matagal siyang tinitigan ng binata. Pagkuwa'y tumayo at muli siyang hinarap. "I know you can do it," mahina nitong pahayag habang nakatukod ang mga palad sa magkabilang panig ng dingding na sinandalan ni Aubrey.

Lalo namang sumandal ang dalaga. Dahil inilapit ng lalaki ang mukha nito sa kanya. Parang sumirko ang dibdib niya sa iginawi nito. Higit lalo nang itinaas nito ang kanang kamay at dinama nito ang dulo ng kanyang ilong.

He touched her nose na sa paraang ginagawa niya sa kanyang mannerism. Namanhid ang buo niyang katawan. Then she felt a spark that ran through her body.

Na hindi niya kailanman naramdaman.

Hindi nagpahalata ang dalaga na malaki ang epekto sa kanya ng nangyayari. Pinakalma niya ang sarili at tinitigan din ang binata. "You're stepping on the line, Mr. Santillan," aniya na ang itinutukoy ay ang employer-employee relationship nila. Dahil sa sarili'y nag-aalala na siyang baka lumampas iyon sa hindi dapat.

Lalo pa't iba na ang kanyang nararamdaman. The effect of this imperious man on her was very dangerous.

Nangingiti namang lumayo ito sa kanya.

Aubrey, A Time To Say I Love You - VergieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon