Chapter 1

1.3K 19 1
                                    

UMAALINGAWNGAW ang malakas na boses ni Theo Montejar sa loob ng kanilang tahanan.

Hindi naman umiimik ang esposa nito at pinababayaan sa anumang desisyon nito ang lalaki.

Napangiwi si Aubrey mula sa sofa. Sa nakitang reaksiyon sa mukha ng ama'y halos hindi siya makapalag upang idepensa ang sarili. Bagkus, isang pagrerebelde ang nasa dibdib niya.

"Ipinapahiya mo ang pamilya natin, Aubrey!"

Nagtaas naman ng mukha ang dalaga. "Anong ipinapahiya? My, kailan lang kayo nagkausap at nagkita ng taong sinasabi ninyong kaibigan. And all of a sudden, bigla silang sumulpot dito.

And the worst part was you introduced me..." Ibinitin niya ang kasunod dahil parang ayaw niyong lumabas sa bibig, ayaw tanggapin ng kanyang sarili. "Na 'Ang anak ko, Señor, ang ipinagkasundo nating pareho,'" she added na may halong sarkasmo.

Napabuntunghininga si Mrs. Montejar. Nasa mga mata na nito ang pagkalito kung tama ang ginagawang pagsang-ayon sa asawa. Nakikita nitong ang anak ang nahihirapan. "Hija, palabra-de-onor ang nakasalalay dito," lumabas sa bibig nito. Isang pakiusap na sumang-ayon na rin siya sa ama.

Subalit wala siyang makitang rason para pumayag sa kagustuhan ng dalawa. Higit lalo sa gusto nitong mangyari na magpakasal siya sa taong hindi pa niya nakikita. "I don't care about your palabra-de-onor. I don't care kung kaibigan man ninyo ang mga Poncio Pilato'ng iyon, o kung sino man sila. And I don't even—"

"Hindi sila mga Poncio Pilato, at higit lalong hindi sila sinu-sino lang!" agaw ng kanyang ama. "Marangal na pamilya ang mga Cordova. Kilala sila sa daigdig ng negosyo. They've been my friends for years. Hindi man kami ganoon kadalas magkita ni Señor Anton simula nang mamatay ang papa, nasa amin pa rin ang palabra-de-onor. And that will stay put, young lady.

"At ang ginawa mong pagkontra sa bawat salitang binitawan ko kanina sa hapag-kainan kaharap ang mga Cordova ay malaking kahihiyan," dagdag pa ng lalaki na galit na galit.

Wala namang maisip ang dalaga na kinontra niya ang ama kanina. Basta ang sinabi lang niya sa mga Cordova ay kung ano ang kanyang saloobin—that she was not comfortable with their plans na itakda sa madaling panahon ang kasal niya sa apo ng mga ito na hindi pa niya nakikita.

At bago pa umalis ay nag-iwan ng salita ang matandang Cordova na babalik ito sa isang linggo at kasama na nito ang apo. At sa gayon ay makilala niya ang lalaking ipinagkasundo sa kanya.

Well and good, pero hindi pa rin niya pinangarap makapag-asawa ng taong sumusunod sa manipulasyon ng iba. At nakita niya iyon sa kuwento ni Anton Cordova. That Dacs was tied to his grandfather's apron. Dahil kung hindi, eh, di sana'y hindi ito pumayag sa gustong mangyari ng matanda.

"Kung ang pinoproblema mo ay si Dacs, there's no need. Dahil nakilala namin siya noong huli kaming nagpunta sa Maynila."

Alam niya iyon dahil nasabi na ng mga ito noon pa man. Noong excited na ibinalita na nakita ng mga ito ang pamilya Cordova. Iyon na rin ang simula ng kalbaryo ng kanyang buhay. Dahil nagsimulang ipunto at ibida ng kanyang daddy sa kanya si Dacs.

"He is a very fine man. Napakabait at napakatalino. Kumuha siya ng masteral sa America. At sa katunayan nga ay siya na rin ang humahawak sa kanilang negosyo sa Maynila. Pero nakabase siya sa Pangasinan ngayon. Which is the reason kung bakit hindi siya agad nakasama rito sa Zamboanga. But I'm sure he's dying to meet you, Aubrey," anang kanyang ina.

She smiled wryly. Alam niyang kinukuha nito ang kanyang loob. But she was not easy to please. "Still, I don't like him."

Nagkatinginan ang mag-asawang Montejar, parang kapwa alam ang nasa loob ng anak. Dahil kilala siya ng mga ito sa katigasan ng ulo—na kung ano ang ginusto ay siya niyang gagawin.

Aubrey, A Time To Say I Love You - VergieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon