Chapter 4

407 11 1
                                    

NAGHAHAPUNAN sila ni Lenny nang magtanong ito tungkol sa trabaho niya.

"Oh, Lenny, how I really hate him," sagot niya, at sinabi sa kaibigan ang nangyari sa buong maghapon.

Natawa naman ang kaibigan. "Iyan kasi, simpleng kape lang, pumalpak ka pa. Buti nga't hindi ka tinanong kung marunong kang magluto o magprito man lang."

Umirap siya. "How should I know? Hindi naman ako umiinom ng kape para pag-aralan pa ang paggawa n'on. At ano ba ang pakialam niya kung marunong man ako o hindi sa pagluto?"

"Alam mo, kahit na small household chores ay dapat marunong ka. Lalo na't gusto mong maging independent," pangaral ng kaibigan. "Pero maiba tayo, is he really that handsome, lalo na kapag tumatagal?"

Napatigil naman si Aubrey sa pagsubo. Parang may gustong ipunto ito, pero hindi niya pinatulan. "Ganoon pa rin—mayabang at bastos. Sukat ba namang tawagin niya akong 'brat!'" bulalas niya.

Napakamot si Lenny. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Alam mo ba na sa edad niyang twenty-nine ay very fulfilled na si Dave sa larangan ng pagnenegosyo? And did you know that his father is—"

"Hindi ako interesado sa taong iyon, Lenny," agaw niya.

Nagkibit-balikat ang tinuran. "Bahala ka, pero may isang bagay na maganda sa kanya. Dave Santillan is a one-woman man. Kung hindi ako nagkakamali, malapit na itong ikasal doon kay Monica. They were engaged for so many years."

Parang may kung anong kakaiba siyang naramdaman dahil sa narinig. Pero inignora niya ito. Tumango lang siya at itinuloy ang pagkain.

TINANGHALI nang dating si Dave sa kanyang opisina. Nabungaran niya si 'Audrey' na parang malalim ang iniisip.

Nakaupo ang dalaga sa gilid ng lamesa nito, her long, shapely legs crossed.

Very amused na nakatitig ang binata rito. Ngayon lang siya nakakita ng babae sa ganoong ayos—pointing her fingers on top of her nose. Na parang pinakiramdaman kung gaano iyon katangos.

NARAMDAMAN ng dalaga na may tao sa kanyang likuran. At laking gulat niya nang malingunan si Dave na nakangiti sa kanya. Umalis siya kaagad sa pagkakaupo sa gilid ng lamesa. Nahihiya siyang humarap dito. "Good... good morning... Sir," pautal niyang bati sa binata.

Tumango lang naman ito. At saka pumasok na sa silid.

Nang mawala sa paningin ang lalaki ay agad na umupo na ang dalaga sa kanyang silya. Malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya para kumalma ang sarili.

Goodness, ano ba'ng nangyari sa akin at sa lamesa pa 'ko umupo para lang mag-isip ng mga hindi importanteng bagay? tanong niya sarili.

Nang mahimasmasan ay saka siya tumayo para dalhan ng kape ang binata. Nakita niya na nakatayo ito sa gilid ng bintana, nakahawan ang mga blinds habang nakatingin ito sa labas.

Eksaktong nailapag niya ang tasa nang lumingon ito.

Kinuha ng binata ang kape at dinala sa bibig. "I'm glad you kept your promise," sabi nito na ang tinutukoy ay ang paggawa niya ng kape.

"I never break promises as simple as this, Sir," aniya nang makaupo ang binata. "And as for your appointments—" Sinabi niya rito ang mga importanteng schedules para sa araw na iyon. "And finally, you have a dinner meeting with Mr. Chua at six p.m. at the Shangri-La. That's all."

Pag-angat niya ng mukha ay nagsalubong ang mga mata nila. Kumabog ang dibdib niya dahil sa titig nito.

"Saang probinsya ka galing, Miss Gonzaga?" biglang tanong ng lalaki.

Natigilan siya, ang kabog na nasa dibdib ay napalitan ng kaba.

"I mean, kung mayroon kang inuuwiang probinsiya?"

Aubrey, A Time To Say I Love You - VergieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon