Chapter 3

533 14 1
                                    

MATAAS at maganda ang Heir Building.

Sa gilid nito ay nakaukit ang pangalang iyon na gawa sa nangingintab na metal na kulay-ginto. The building was a combination of concrete, marble, chrome metal, and glass.

Higit na mas maganda ang loob nang makapasok siya. Sa magkabilang dulo ng main lobby ay armless at wedged chairs. Sa kanang bahagi naman ay ang building directory. Marami ring artificial plants sa loob. But what fascinated her most was the huge painting na nakasabit sa marble wall ng lobby—a breathtaking landscape.

Sinipat ng dalaga ang pangalang nakalagay roon. BODEC. Hindi niya kilala. Pero magaling, at alam niyang hindi biro ang presyo ng ganoong mga uri ng artworks.

Umakyat siya sa Tenth floor. Ayon sa babaeng nakausap niya kanina sa telepono ay hanapin niya si "Miss Linda." Hindi niya direktang nakausap si Dave Santillan, kundi ang sekretarya nito.

Babaeng buntis ang sumalubong sa kanya sa lobby ng office na pinasok niya.

"I'm looking for Miss Linda," sabi niya rito, at saka binanggit ang kanyang pangalan.

Isang friendly smile ang lumabas sa labi ng kaharap. "That's me, and I'm pleased to meet you, Miss Gonzaga. Ako rin ang nakausap mo kanina sa telepono. Actually, matagal ko nang hinihintay ang tawag mo rito. Inihabilin ka sa akin ni Mr. Santillan. And if you don't mind, I will be the one to assist you," dagdag pa nito.

Hindi naman makapaniwala si Aubrey sa narinig. "What do you mean? Na tanggap na ako?"

Napatawa ang babae at saka tumango.

"Whew, that's too fast. Wala bang interview?" aniya na hindi pa rin makapaniwala. Napakabilis naman yata; ngayon lang siya nagpunta rito.

"Wala na. Order of the boss. Halika na at ipapakita ko sa iyo ang magiging trabaho mo," yaya ni Linda.

Inakay siya nito sa kaliwang bahagi ng marangyang opisina. Isang hindi kalakihang pinto ang kanyang nabungaran. Pagbukas dito ng kanyang kasama ay nakita niya ang mga papel na nakatambak sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali, mga company documents.

"You will be assigned as a filing..."

Napamulagat ang dalaga. "Wait a minute," agaw niya sa babae. "Dito ako magtatrabaho? My goodness, this one is hell for me!" wika niya na hindi maiwasang magtaas ng boses dahil alam niya ang posisyong ibinigay sa kanya.

Sa kanilang sariling kompanya ay nakita niya kung paano nahirapan ang mga filing clerks. At paano na lang kung dito pa, na hamak na mas malaki pa kaysa kanilang kompanya?

Napatitig naman si Linda sa kanya. Ang siglang nakita nito sa kanya kanina ay biglang nawala.

Muling umikot ang mata ng dalaga sa kabuuan ng silid. "A despicable place!" bulalas niya na hindi napigilan ang bibig. Lalo pa't nakikita ang mga naglalakihang metal cabinets. "I'm leaving. And tell your boss that I won't accept this... this so-called job," mariin niyang bigkas. Halos hindi maipinta ang galit sa kanyang mukha. Galit para kay Dave Santillan.

"What is going on here?" anang isang mahinahong boses.

Napalingon ang dalawang babae.

Si Dave ang kanilang nabungaran sa pintuan. Wala na ang cast nito sa kamay at nakahawak na iyon sa coat na nakapatong sa balikat nito. Ang mga mata nito ay direktang nakatitig kay Aubrey. Na lumipat lang nang magsalita ang sekretarya.

"Miss Gonzaga is not accepting the job, Sir."

Muling tiningnan ni Dave ang dalaga. Pagkuwa'y, "Sige, Linda, ako na lang ang bahala rito."

Nang makaalis ang sekretarya ay ibinaba ni Dave ang hawak na coat. At saka sumandal sa gilid ng pinto. Pinag-aralan nito ang dalagang nakahalukipkip.

She looked more like a lady kompara noong una nitong makita si Aubrey. She was wearing an executive dress na lampas-tuhod at nag-emphasize sa magandang hubog ng kanyang mga binti. At ang mukhang napaka-refreshing ay wala gaanong makeup. Pero para sa binata, hindi pa rin nawala ang taray sa kanyang personalidad.

Aubrey, A Time To Say I Love You - VergieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon