Chapter 6

518 15 1
                                    

"NAKAKABINGI ang katahimikan," ani Lenny na umupo sa tabi ng kaibigan.

Nagulat naman si Aubrey. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito. Umusog siya para makapuwesto ito.

"Napakalayo naman ng iniisip mo," komento nito sa kanya. "Gusto mong hulaan ko? Si Dave, hindi ba?" dagdag pa ng babae.

Umilap ang mga mata ng dalaga. "Hindi, ah! Ang pamilya ko sa Zamboanga ang iniisip ko. I really miss them—terribly. Kahit man nagpapadala ako ng sulat sa kanila, it's not enough." Totoo sa kanya ang sinabi. Nakailang sulat na rin siya. Wala nga lang return address na nakalagay. "Iniisip ko na ring bumalik sa amin," mahina niyang pahayag.

Biglang natigilan si Lenny. Ngunit agad ding nakabawi. "Well, that's good. Finally, naisipan mo na rin ang bagay na iyan. Dahil mahirap tikisin ang magulang at takbuhan ang problemang nakabinbin. Pero kung gagawin mo lang iyan para muling takbuhan ang problema mo rito, napakadelikado. Lalo na't iba ang sangkot."

Isang malalim na buntunghininga ang ginawa ni Aubrey. Alam niya ang tinutukoy ng kaibigan.

"You fell in love with him, didn't you?" seryosong tanong ni Lenny.

May lungkot na bumalot sa mukha ng dalaga. Tama ang kaibigan. Kahit na anong pag-iwas at hindi pag-amin ang gawin niya ay pilit pa ring sumisiksik sa puso niya ang katotohanan.

Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw niyang umalis ang binata noon. Dahil alam niya, hindi niya gustong mawala ito sa kanyang paningin.

"He was the only person who could stand up and ignore her temper. Na naging daan upang matuto siyang sumunod kahit na galit siya. She even called him the 'imperious man,' na naging katapat niya. At unti-unti, sa piling nito ay nawala ang kanyang pagiging spoiled brat."

"It isn't the right time to say yes."

"And when will that be?"

Nagkibit-balikat siya. "I really don't know kung may pag-asa man. But I think wala talagang chance. Sabi mo nga, he is really, really in love with Monica. At alam ko iyon. Samantalang ako, naglayas dahil ipinagkasundo sa isang hindi nakikilalang lalaki."

"So be it? Ganoon na lang ba?"

Tumango siya. "Babalik na ako sa Zamboanga pagkatapos ng maternity leave ni Linda. At sa ngayon. Well," dagdag pa niya, "act like there's nothing here," sabay turo sa puso.

MAG-IISANG linggo na mula noong umalis si Dave, at naging busy si Aubrey sa mga nagdaang araw.

Katulad ngayon, na sumasakit na ang likod niya dahil maghapon siyang nakaharap sa computer. Pabalik-balik din siya sa filing room para hanapin ang ibang papers na kakailanganin ng lalaki sa pagbabalik nito.

To relax herself, idinikit niya ang likod sa upuan, ipinikit ang mga mata, at sabay hawak sa dulo ng ilong. Nakaramdam siya ng kaunting ginhawa sa gayong mannerism. Mga sampung minuto siya sa ganoong posisyon bago muling dumilat.

Kumabog ang dibdib niya nang makitang nakatunghay sa kanya ang nakangiting si Dave. Nagulat siya. Hindi niya akalaing darating sa ganitong oras ang binata. At kailan nga ba ito dumating?

"It's already six, you should be home by now," sabi ng lalaki na hindi maialis ang mata sa kanyang parang natuklaw ng ahas.

Napalunok naman si Aubrey. "I... I forgot the time. Tinatapos ko lang itong trabaho, Sir," aniya nang maka-recover.

Banayad na tumango ang binata at saka lumayo sa mesa.

"When did you arrive, Sir?" naitanong niya, at pinuno ng hangin ang dibdib para bumalik sa normal ang tibok ng puso. Ngunit hindi niya maikaila sa sarili ang matinding saya dahil nakabalik na ito.

Aubrey, A Time To Say I Love You - VergieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon