Chapter Eight

483 13 1
                                    

"What is this, Miss Gonzaga?" Napataas ang boses ni Dave habang hawak nito ang resignation letter na iniabot niya.

Napalunok ang dalaga at kinabahan sa tono ng binata. Ngunit tinatagan niya ang sarili. "A resignation letter, Sir," bale-wala niyang sagot.

Salubong ang mga kilay ng lalaki na humarap sa kanya. "I know! Ang ibig kong sabihin ay bakit?" diin nito na may galit sa boses.

Ibinaba ni Aubrey ang notepad at padabog ding humarap kay Dave. "Huwag mo akong pagtaasan ng boses, Mr. Santillan. Hindi porke't binabayaran ninyo ako ay binigyan ko na kayo ng karapatang sigawan ako. I have the right to leave this company. Pasalamat ka pa nga at nagbigay ako ng letter kahit na kayo ang kusang kumuha sa akin dito," nag-aapoy ang matang sagot niya rito.

Ilang maigting na sandali ang namagitan sa kanila. Si Dave ay titig na titig sa kanya, parang pinag-aaralan ang mukha at kilos niya.

At si Aubrey naman ay nasa dibdib pa rin ang galit. Hindi nga lang niya matanto kung kanino. Kung sa sarili na sadyang ipakita na walang epekto sa kanya ang pag-alis. O dahil sa ginawa nitong pagtataas sa kanya ng boses.

"I need to go home." Siya ang bumasag sa katahimikan.

Walang kurap na nagsalita si Dave. "Is that your real reason? Or are you just inventing something para iwasan ako?"

Hindi naman siya nagbaba ng mukha. Sinalubong niya ang mga mata ng binata. "Yes to your first sentence. And no to the second," deklara ng dalaga.

"No, dahil totoong hindi kita iniiwasan. Aalis ako upang hindi na lang lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa iyo. At baka sa tamang panahon na pag-alis ko ay magiging mas mahirap ito para sa akin."

"Okay, I accept your resignation," pormal na wika ng binata. "But stay until this afternoon. Maghahanap pa ako ng pansamantalang kapalit mo rito."

Tumango siya at saka nagpaalam. Dahil nararamdamang gustong magtraydor ng kanyang puso. Ibinubulong nito na bawiin niya ang ibinigay na letter. Subalit nagpigil siya. Dahil alam niyang baka bibigay na siya kapag nagkataon.

Sinulyapan niya si Dave bago tuluyang umalis. Blangko ang ekspresyon sa mukha nito. May gusto sana siyang makita man lang dito—ang umaasang pigilan nito ang kanyang pag-alis.

Subalit nabigo siya.

INABALA niya ang sarili sa trabaho.

Eksakto alas-dos ng hapon ay lumapit ang lalaki sa kanyang lamesa. Itinigil naman niya ang ginagawa sa harap ng computer. Tiningnan niya ang binatang nakatayo sa kanyang tabi.

"Can you do me a favor, Audrey?" bungad nito sa malumanay na tinig.

Tumango siya nang may pagtataka. "About what, Sir?" Pipigilan na ba nito ang kanyang pag-alis?

"For the last time, ikaw uli ang papupuntahin ko sa Shangri-La. To close this one last deal," pakiusap ni Dave.

Nanlumo siya sa narinig. Akala pa naman niya ay... Hindi niya magawang tumango.

Naghihintay naman ang lalaki sa kanyang sagot. "Please, Audrey—I promise na susunod uli ako. Hindi ko nga lang mapahindian si Bona. Nakiusap siya sa akin kanina na samahan ko siya."

Sa narinig na dahilan ay doon siya napatango. "Okay. For the last time. But you have to keep your promise again."

Sa halip na sumagot ay walang sabi-sabing pahapyaw na hinalikan siya ni Dave sa labi. Nagulat naman siya. Para siyang natuklaw ng ahas sa nangyari.

Hindi na niya nagawang mag-react dahil kaagad na nawala ang binata sa kanyang harapan. Deretso itong bumalik sa opisina nito na wala man lang sinabi.

TATLO ang kliyenteng kasama nila. At muli ay dalawa lang sila ng dati niyang kasama.

Aubrey, A Time To Say I Love You - VergieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon