Friends With Benefits
Written By: Mervin Canta
FWB 25: EXPLODE
“It’s not a question of love, cuz our love has never change, but all the little things keep piling up and life keeps getting in the way”
-Kathryn
“hindi kita asawa, kaibigan lang kita”
Kaagad akong sumakay ng elevator at pinindot ang floor ng unit ng condo ni Daniel
Pagdating sa unit nya at kaagad akong pumunta sa kwarto ko nagligpit ako ng gamit ko
Nagligpit ako ng gamit ko habang tumutulo ang luha ko
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ng mga oras na yon
Ang basta ang nasa isip ko ay gusto kong lang makaalis sa bahay nyang iyon.
At makahinga-hinga muna kahit saglit lang , magpakawala muna ng sama ng loob
Saka sya kumatok sa pintuan
Tok tok tok
“Kath, mag-usap tayo!”
Hindi ako sumagot, bagkus nagpatuloy ako sa pag-impake ng mga gamit ko
“kath, lumabas ka nga dyan mag-usap tayo”
Si Daniel na alam kong galit na ng mga oras na iyon
Pinunasan ko muna ang luha sa mga mata ko
Saka buong tapang na lumabas ng kwarto
“ano bang pinuputok ng butchi mo ah? Daniel? You want this? Diba? Ikaw ang nagsimula nito, ikaw ang tumapos nito, aalis na ako sa bahay mo”
“pwede ba? Wag kang basta basta magdesisyon ng ganyan kath”
“magdesisyon? So ang siste eh? Ikaw ang syang dapat magdesisyon sa anong pwede kong gawin? Kasasabi ko lang sa iyo dj na hindi kita asawa, kaibigan lang kita”
“stop saying that kath please! Hindi na ako natutuwa, bitawan mo na ang gamit na yan at mag-usap tayong dalawa”