Friends With Benefits
Written By: Mervin Canta
FWB 51: AKIN KA NALANG
“Ang totoo kapag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako”
-Daniel Padilla
……………………………….
Daniel’s POV
Gabi na noong hinatid ko sina Kath at Lucho sa bahay nila, at nakita ko na nag-aantay doon si Erick at ang mama ni Kath sa pintuan ng bahay nila.
Na masama ang tingin sa akin ni Erick kahit na medyo malayo pa kami sa kanila.
Biglang lumapit si Erick, at hinila ang kamay ni Kath.
“I miss you” then he hugged kath infront of me, as if naman na magseselos ako? I’m over it. We settled everything in baguio.
Hanggang sa may bumusina sa aming likuran.
At sobrang pamilyar ang kotse na iyon. At nanlaki ang mata ko ng biglang lumabas ito sa loob ng kotse nya.
“Julia?” sambit ko pa sabay lumapit ako sa kanya.
“parang sobrang gulat na gulat ka nang Makita mo ako? Dj?”
“hindi naman, I didn’t expect na pupunta ka dito at bakit ka nga ba nandito?” tanong ko pa sa kanya
“ahmmm…nandito lang naman ako, para kunin ang dapat akin” she roughly stared to kath’s eyes at lumapit ito sa harapan ni kath,
Nakapamewang nakatitig sa mga mata ni kath, tiger look.
“para kasing sobrang nagsasaya na kayo eh, at nakakalimutan nyo na may kanya kanya kayong mga karelasyon na nag-iisip at nag-aalala sa kung anong posibleng ginagawa nyo sa kung saan man kayo galing, well actually I’m not interested sa mga ginawa nyo….what my concern now is….madali kasing mainlove itong si Daniel…baka kasi mahulog muli sa iyo kath, at ikaw naman ay bigla syang saluin? Dahil? Ano? Mahal mo pa sya?”
Sumigaw na ako at pinigilan ko sa pagsasalita si Julia.