FWB 44: MULA NOON, HANGGANG NGAYON

16.2K 98 0
                                    

Friends With Benefits

Written By: Mervin Canta

 

FWB 44: MULA NOON HANGGANG NGAYON

“Bakit kaya? Pagnakikita ka araw ko’y gumaganda at laging Masaya, Ganyan ang damdamin ko nadarama mula noon hindi nagbabago hanggang ngayon”

-Kathryn Bernardo

Bumalik ako sa pwesto ko na may mga tanong sa aking sarili?

Bakit nya sinasabe sa akin ang mga salitang iyon?

Yung ngiti nya, yung mga mata nyang nangungusap na parang patawarin ko na sya

Actually may kasalanan din naman ako kung bakit sya lumayo eh, ako rin naman ang dahilan siguro o should I say ako talaga

Hindi parin ba nagbabago ang pagtingin ko kay Daniel?

Mahal ko parin ba sya?

Paano si Erick? Eh mahal ko na sya eh

Haist ang hirap, ang hirap hirap

………………………………

Pumasok ako sa trabaho ko na tahimik lang, iba na ang tingin ng iba kong kasamahan sa sobrang close namin ni boss Daniel pero hindi ako nagpapaapekto sa kanila, pakialam ko sa kanila?

Tumawag si mama sa akin habang kabusihan ko sa trabaho kasi may pinapagawa si boss Daniel na sobrang urgent sa akin

“ma??? Ano ba yun?”

Tanong ko pa sa kanya na may medyo mataas ang boses at nagmamadali

“aalis lang kami ni Lucho, mamamalengke lang kami baka kasi mag-alala ka na naman eh”

“jusko yun lang pala, basta bantayan mo ng maayos si lucho ma ah, haist sige nag mamadali ako kasi may mga tatapusin pa ako”

Hindi rin kasi alam ni mama na nagtatrabaho ako at si Daniel sa isang kumpanya

Nagbell na naman ang boss kong si Daniel

Ring ring ringggggggggggggg

“andyan naaaaaaaaaaaaaaaa”

Sigaw ko pa

Sabay kumatok ako saka pumasok sa loob ng office nito

Friends with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon