Friends With Benefits
Written By: Mervin Canta
FWB 37: BROKEN HEARTED
“This is more than a typical kinda thing. Felt the jones in my bones when were touching me, oh oh, didn’t want to take it slow”
-Kathryn
………………………….
Daniel POV
Nakipagkita ako sa girlfriend kong si Julia sa isang Resto sa may Quezon City
Malapit sa isang Mall
Late ako ng 30 minutes as usual nakasimangot na naman sya noong dumating ako
“sorry!”
“wala ka talagang pagbabago! Your’e still the Dj na kilala ko haist”
Galit na sabi pa nito sa akin
“so??? Kumain ka na ba? Mag-oorder na ba ako?”
“later na! I have a surprise to you”
Sabay ngiti pa nito
Napaisip tuloy ako kung ano yung surprise nya sa akin
Buntis na kaya sya? O di naman kaya? Nag-aasume lang ako?
Pero sabi nya may aantayin raw kami sino naman kaya yun?
Mahilig sa surpresa si Julia pero ayaw ko kasi ng supresa eh hindi ko gusto
Hanggang sa tumayo sa kinakaupuan nito si julia nakangiti sa may malayo
Lumingon ako sa likuran ko at medyo napatayo ng konti
Nakita ko ang isang lalake na nakashades na nakangiti kay Julia ng mga oras na iyon
At noong lumapit ito kay Julia ay hinalikan ito sa cheeks
Medyo nagselos ako, oo shit nagselos ako ang girlfriend ko hinalikan ng ibang lalake sa harapan ko pa mismo?