Friends With Benefits
Written By: Mervin Canta
FWB 39: ONE HELLO
“It’s a chance you’ll take, a chance you’ll win, if someone gonna find you…first you gotta let them in, coz love begins with one hello, the hardest part is over now it’s easy letting go”
-Daniel
………………………………
ENRIQUE POV
“what? Dad? Dito na magtatrabaho si Daniel?”
Bulalas ko pa sa Ama ko na syang may ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko
“Yes! Bakit anong problema? Magkaibigan naman kayo? At isa pa maganda naman ang credentials nya, nakapag-aral naman sya sa kilalang eskwelahan, at kilala sya bilang isang business man, he will be an asset in our company”
Sabi pa ng daddy ko na sobrang bilib sa kakayahan ng mokong na si Daniel
“hindi naman sa ayaw ko, pero….”
“wala ng pero pero, magsisimula na syang ngayon! Actually andyan na sya eh”
Hanggang sa tumunog ang phone ko may tumatawag pala sa akin
May nag-aantay pala sa akin sa may lobby
Si Kathryn
“oh??? Sorry?? Sana office pa ako ni Dad!”
Garalgal na boses ko
“oh??? Bakit parang ganyan ang boses mo??? Ok ka lang ba?”
Tanong pa sa akin ni Kath
Pero hindi ko masabi sa kanya na sa ano mang mga oras ngayon ay may posibilidad silang magkita ni Daniel.
“wait antayin mo ako dyan ah?”
Sabi ko pa sa kanya
Saka bumaba ako.
…………………………….
Daniel POV