FWB 14: ROCKETEER

29K 165 6
                                    

Friends With Benefits

Written By: Mervin Canta

 

FWB 14: ROCKETEER

“here we go come with me…there’s a world  that there we should see take my hands, close your eyes with you right here, I’m a racketeer, let’s fly high!!!!”

-Daniel

 

Sa loob ng barrista

Galit na sinalubong ako ni Daniel sa rehearsal room namin ng banda.

Hinila nya ang kamay ko palabas ng kwartong iyon.

“anong bang problema mo? Ah????”

Tanong ko sa kanya sabay tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay nya at nagalit.

“bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?”

Tanong pa nya sa akin

“tawag??? Ah??? Yun lang pala? Sorry ah??? Kasi..kasama ko si Mario eh magkasama kami buong araw ano bang problema?”

Tanong ko sa kanya sabay taas ng kilay at nakasimangot.

“so talo na ako sa pustahan? Kayo na?”

Tanong nya pa sa akin in sarcastic way

Sabay naglabas ng wallet nito

“ano yan? Bakit ka naglalabas ng pera?”

Tanong ko pa dahil nagulat ako noong naglabas talaga sya ng pera.

“diba kayo na? so talo na ako sa pustahan…kath…hindi ako sumasablay sa pustahan ngayon lang! so…eto ang bayad ko”

Sabi pa nya sabay abot ng sandamukal na pera sa akin

“bastos ka rin no? look dj! Hindi ko tatanggapin yang pera na yan! Gusto ko na si Mario….at hindi ko na kelangan ng pustahan…ano bang pinuputok ng buchi mo at nagkakaganyan ka?”

“dahil na miss kita!”

Bigla akong tumawa ng malakas…

Pero wala syang reaksyon sa pagtawa ko.

Kaya tumahimik na ako at nag-ayos ng sarili ko at tumayo ng maayos at sumimangot muli.

“nagseselos ka?”

“hindi!”

Friends with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon