Disclaimer: This chapter contains content related to suicidal thoughts and attempts. Reader discretion is advised. If you or someone you know is struggling with similar thoughts, please seek help from a mental health professional or contact a crisis support service.
Hera's POV
Mapait at maitim ang mundo.
Naglalakad ako habang malalim ang isipan ko, kung saan na lang ako dinadala ng paa ko.
Tingin ko hindi ko na kaya harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay ko. I failed. I failed at everything. Maybe tanggapin ko na lang ang lahat? Maybe tinanggap ko na lang ang lahat. Lahat ng kulang sa akin, lahat ng pagkakamali, lahat ng flaws ko. I should have accepted before that I could not live in the luxurious life I've wanted.
Imposibleng masusuot ko yung mga gusto kong sapatos, damit, alahas at makatitira ako sa malaking bahay na may magagarang sasakyan. Makakain ang lahat ng gusto kong pagkain.
Nasa tindahan ako ng alahas at hindi ako pinapansin ng mga saleslady dahil yata sa suot ko. Napatingin sila sa guard at binabantayan ang bawat galaw ko. Napahawak ako sa leeg ko habang nakatingin sa magandang kwintas na kumikinang.
Lumaki akong mahirap kaya mamatay akong mahirap, siguro yan ang ending ko?
Kasalanan ko rin naman eh, hindi ako nag-isip habang ginagamit ang mga pera ko. Sinayang ko ang pera ko para makasabay sa mga mayayaman kong kaibigan. Natatakot ako baka husgahan nila ako o iwanan. Pero sumaya naman ako habang kasama sila.
Natitikman ko nga yung mamahaling pagkain at saka lagi pa kami tumatambay sa isang mamahaling coffee shop habang nagdaldalan gamit yung allowance ko galing sa scholarship at sa parents ko. Suot-suot ko pa yung nabibili kong damit sa online shop na kasing pareho ng mga Chanel at Louis Vuitton.
Hindi lang pera ang nasayang ko kundi ang oras ko rin. Naubos ko ang lahat ng oras ko para sumama sa lakad nila kaya napabayaan ko ang pag-aaral ko. Hindi ako nakapag-graduate dahil nabagsak ko ang isang subject. Wala nang pupulot sa akin, iniwan na ako ng lahat.
Nakakuha ang lahat ng kaibigan ko ng trabaho at iba ay sila na ang namamahala sa kanilang family business. Habang ako rito, walang mapupuntahan. Wala rin akong mauuwian dahil wala akong matatawag na home.
May kanya-kanyang pamilya na ang magulang ko kaya ako na lang naiwan mag-isa. Kina Tita Ysabela, kapatid ni mama, ako nakikitira dati bago ako mag-college. Hindi rin naging mabuti ang pananatili ko sa kanila dahil pinaparamdam nila sa akin na pabigat lang ako sa kanila at wala akong lugar doon.
Wala akong lugar sa lahat at naiwan na lang ako dito.
Dumating ako sa tulay kung saan plano ko tumalon. Napatingin ako sa alon ng tubig, napakaganda at napakatahimik. Napapikit ako habang nilanghap ang hangin. "Kung payapa lang ang mundo. Kung madali lang mabuhay sa mundo. Baka gusto ko pang manatili sa mundo," bulong ko sa hangin.
Baka hindi ako nakatayo ngayon dito at iniisip na tumalon.
This will be my last time.
I love you, Ma and Pa. Sorry kung aalis na ako nang walang paalam. Ayaw ko rin naman makadisturbo sa masasaya ninyong buhay. Alam ko, nagawa niyo lang ako dahil sa isang pagkakamaling araw. I will always be the mistake you've made.
Nakatingin ako sa alon ng tubig habang nilalakasan ang loob kong umakyat sa railings para tumalon sa tubig.
Siguro matatapos ang lahat ng ito pag nawala na ako.
BINABASA MO ANG
Does She Know?
RomanceOn the verge of giving up, Hera is saved by Jhezo, the man she once loved. With nowhere else to turn, she accepts his offer to help her heal, seeing in it a glimmer of hope for both life and love. As old feelings resurface, Hera begins to believe th...