Ngayon, nasa hospital kami ni Jeo dahil magpapa-check up ako. Nirekomenda niya na magpa-medication ako para gumaling. Napakatahimik sa waiting room, tanging ingay ng aircon ang maririnig. Tumingin ako sa ibang pasyente—may mga nakayakap sa kanilang kasama, at ang iba ay humihikbi.
Napatingin ako sa isang batang nakatitig sa akin, kaya binigyan ko siya ng simpleng ngiti. Tumago siya sa damit ng kanyang ina. "Natakot ko yata," bulong ko kay Jeo na katabi ko.
"No, maybe he's just shy," sagot niya at mahinang tumawa.
Nakaramdam ako ng kaba nang bumukas ang pinto. Napahawak ako sa kamay ni Jeo, at tinignan niya ako nang ibinaba ko ang ulo ko. "Are you alright?" bulong niya. "Don't worry, I'm just here. Call my name when you need me."
"Ms. Hera de Vera," tawag ng assistant ng psychiatrist.
Tumayo ako, hawak pa rin ang kamay ni Jeo. Inalalayan niya ako papasok, at isinara ng assistant ang pinto. Mahina akong umupo at lumingon sa psychiatrist na nakangiti sa akin.
"Hi, Hera. I'm here to help you. Can you tell me what you're feeling right now?" tanong niya sa akin. Ibinaba ko ulit ang tingin ko sa paa ko.
Hindi ako umimik. Dahan-dahang minasahe ni Jeo ang kamay ko, at nakaramdam ako ng kaunting lakas na magsalita. Iniangat ko ang tingin ko sa doktor. "Takot," tipid kong sagot.
Tumango ang doktor. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit ka natatakot?" tanong niya sa mahinahong tono.
Umiwas ako ng tingin. "Nat-tatakot ako d-dahil..." Huminto ako. "Dahil." Kinagat ko ang labi ko. "Nat-tatakot a-ako d-dahil baka m-makita ko yung parents ko at m-mag-g-galit sila sa akin." Hindi ko napigilang lumuha.
Alam kong magagalit sila. Alam ko ang mga matatalim na salita na sasabihin nila. Alam kong iiwan ulit nila ako at baka hindi na sila bumalik.
Napatingin ako kay Jeo. Nakikinig siya ng mabuti, at ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. "Okay lang ba kung sasabihin mo sa akin kung bakit sila magagalit sa'yo?" tanong ng doktor.
Napahawak ako sa kamay ni Jeo at huminga ng malalim. "Hindi po kasi ako nakapagtapos dahil sa pagiging pabaya ko. Nung Grade 10, dalawa lang ang kaibigan ko, pero isang araw iniwasan nila ako at pinagtatawanan kasama ang bago nilang kaibigan. Tinawag nila akong malandi, pero mas naging close lang ako sa dalawang lalaki dahil sila lang ang lumapit sa akin. Nahihirapan ako makisama sa mga babae."
Napatingin ako kay Jeo, na binaba ang ulo at lumingon sa dingding. "Kaya nung nag-college ako, natuwa ako nang nagkaroon ako ng mga kaibigan. Pero dahil magkaiba ang antas ng aming buhay, sinubukan kong gayahin ang lifestyle nila, at napabayaan ko ang pag-aaral ko."
"Thank you for sharing that with me, Hera. Nauunawaan ko ang sakit na nararamdaman mo. It sounds like you've been carrying that hurt for a long time," sagot ng doktor at huminto siya sandali. "Sinusubukan mong humanap ng lugar kung saan tanggap ka—una sa high school, tapos sa college. Feeling left behind or not fitting made you feel pain, naiintindihan kita."
Napatingin ako sa kanya. "Sometimes, when we experience rejection, it connects back to feelings we've carried from earlier in life," dagdag niya. "I wonder, have you felt like this before—like you weren't really seen or valued by the people close to you, even before your friendships changed?"
Huminto ako. "O-opo," sagot ko. "A-a-anak po ako sa l-labas. I know my life is a mistake. Kaya siguro hindi ko alam saan ko ito itatahak. Ang una nang-iwan sa akin ay ang parents ko. Wala silang atensyon na maibigay sa akin dahil sa mga pamilya nila. Tuwing binibisita nila ako kay tita, pinapagalitan lang nila ako. Never ko narinig sa kanila na mahal nila ako. Kaya ngayon, I feel like I don't deserve to be here. I don't matter."
BINABASA MO ANG
Does She Know?
RomanceOn the verge of giving up, Hera is saved by Jhezo, the man she once loved. With nowhere else to turn, she accepts his offer to help her heal, seeing in it a glimmer of hope for both life and love. As old feelings resurface, Hera begins to believe th...