Disclaimer: This chapter contains content related to suicidal thoughts and attempts. Reader discretion is advised. If you or someone you know is struggling with similar thoughts, please seek help from a mental health professional or contact a crisis support service.
Umiiyak ako sa likod ng canteen namin kung saan walang tao dumadaan. Napalingon ako sa anino na tinakpan ako, "What are you doing here?" tanong sa akin ni Jeo na may halong pag-alala sa kanyang boses.
"Bagsak ako sa Math. Hindi ko kasi naipasa yung project dahil nabasa sa ulan," naiiyak kong sagot sa kanya. "Mapapagalitan ako pag-uwi," dagdag ko.
"Did you already ask our Math teacher about it? I think she'll let you comply with the missing activities," aniya.
"Nahihiya ako, baka mapagalitan pa ako ni Ma'am," sagot ko.
"Don't worry, I'll be by your side," he assured me as he offered his hand. "Let's go to the faculty and ask Ma'am. Also, I'll help you with the project."
"Talaga?" nagagalak kong sambit habang nagningning ang mga mata ko.
Binigyan niya ako ng simpleng ngiti. "Yes. After all, you're my friend," sagot niya.
Ay, friend zone na naman ulit. Ouch!
Hinawakan ko ang kamay niya, at sabay kaming pumunta sa faculty. Kumatok ako sa pinto bago ito buksan. "Good morning, Ma'am. Nandiyan po ba si Ma'am Terese?" tanong ko sa teacher na malapit sa pintuan.
"Ma'am Terese! Someone's looking for you," tawag niya, at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Ma'am Terese papalapit sa akin.
Nakaramdam ako ng palad sa balikat ko. Tiningnan ko si Jeo na ngumiti sa akin. Unti-unti nawala ang bilis ng tibok ko. "Ahm, good morning po, Ma'am Terese. Gusto ko lang po magtanong kung pwede pa pong magpasa ng project? Naulanan po kasi yung akin kaya hindi ko naipasa nung nakaraang linggo," sabi ko kay Ma'am Terese.
"Sure, sure, just pass it before Wednesday, ah. Magla-lock na kasi ako ng grades," sagot niya, at napangiti ako.
"Sige po, thank you po, Ma'am," sabi ko bago umalis.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. "Yes!" I shouted. "Thank you talaga, Jeo. Hindi ko alam anong gagawin ko kung wala ka," sabi ko sa kanya.
"I'm always here, Hera, if you need any help," sagot niya sa akin, kaya niyakap ko siya.
Nagulat siya. "Thank you talaga," sabi ko at kumawala sa yakap. "May partner ka na ba sa prom?" tanong ko sa kanya.
"I don't have. But, someone's already on my mind," sagot niya kaya nawala ang ngiti ko.
Napatigil ako sa paglakad. "Ah... I'm sure papayag yun! Ikaw na yan, eh," pagtatago ko sa nararamdaman kong selos at tinapik ang balikat niya.
"I hope so," bulong niya. "How about you?"
"Wala, parang naman kasi hindi ako makapunta," sagot ko. "Ayaw ako bigyan ng tita ko ng pangbili ng damit."
"And your parents?" tanong niya.
"Hindi na ako humihingi sa kanila simula nung huling hingi ko na hindi nila kayang ibigay. Yun nga hindi nila mabigay, ito pa kaya," sagot ko at mahinang tumawa dahil sa inis.
"Oh... I should not go then," sagot niya.
Nanlaki ang mata ko. "Seryoso ka? Wag, mag-enjoy ka diyan. At saka baka pumayag yung partner mo, you never know," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Does She Know?
RomanceOn the verge of giving up, Hera is saved by Jhezo, the man she once loved. With nowhere else to turn, she accepts his offer to help her heal, seeing in it a glimmer of hope for both life and love. As old feelings resurface, Hera begins to believe th...