Disclaimer: This chapter contains content related to suicidal thoughts and attempts. Reader discretion is advised. If you or someone you know is struggling with similar thoughts, please seek help from a mental health professional or contact a crisis support service.
Paggising ko ay alas-dos ng hapon. Hindi ako makatulog kagabi, nakatingin lang ako sa kisame.
Wala akong gana kumilos ngayon.
Bumukas ang pinto, "Good afternoon po, ma'am. Gising na pala kayo. Kukuha ako ng makakain niyo," sabi ni Manang Lena nang pumasok siya sa loob at iniatras ang kurtina para makapasok ang sinag ng araw.
Umupo ako nang maayos, "Salamat po," sagot ko at ngumiti ng matipid.
Umalis na siya, at lumingon ako sa bintana. "Ano kaya ang mangyayari sa akin?" tanong ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, parang wala na akong pag-asa. Tumulo na naman ang mga luha sa aking mga mata.
Ganito na lang ba ako? Gigising upang umiyak, at hanggang sa pagtulog ay umiiyak pa rin.
Pinigilan ko ang sarili kong lumuha, baka bumalik na si Manang Lena, pero hindi ko kaya tumigil.
Naiiyak pa rin ako, "Bakit ang hirap?" natanong ko sa sarili ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko at hinawakan ko ito. Napalingon ako sa pinto na biglang bumukas, at dali-dali akong niyakap ni Jeo.
"What happened?" tanong niya sa akin, at umatras sa pagyakap upang tingnan ako.
"Jeo, hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang wala na akong gustong gawin. Gusto ko na lang maglaho," sabi ko habang nakatingin sa kayumangging mata niya, na punong-puno ng pag-aalala.
"You don't have to do a lot; just being alive today is already enough," sagot niya, habang mahinang hinahaplos ang buhok ko. "How about we get some fresh air in a place I know?" tanong niya, at tumango ako.
Pagbaba ko sa kotse, naiiling ako sa dami ng tao. Bumalik ako sa kotse at umupo, kaya kumunot ang noo ni Jeo. "What's the matter?" tanong niya.
Pinagpawisan ang palad ko at nakatingin lang ako sa baba. Bumilis ang tibok ng puso ko, "Natatakot ako, Jeo," sabi ko habang pinipigilan ulit ang luha.
Natatakot ako na baka may kakilala akong makita at lalaitin ako. "Wala kang narating," yan ang kinatatakutan kong marinig. O baka lalaitin lang ako ng mga tao sa paligid.
"Why?" nag-aalalang tanong ni Jeo sa akin, at hinawakan ang balikat ko.
Sinubukan kong huminga nang mabuti dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. "Natatakot ako na baka lalaitin lang nila ako. Baka masasamang salita lang marinig ko paglabas ko," sabi ko, at nagsimula nang pumatak ang mga luha ko.
"No, they won't," sagot niya.
"Jeo, tignan mo ako ngayon. I am nothing. Maraming masasamang salita ang pwede nilang itapon sa akin," turo ko sa sarili ko. "Wala akong narating. Tignan mo nga yung suot ko, hindi maganda tignan. Sino bang baliw ang magsusuot ng dilaw at pink na pants? Naka-tsinelas pa. Mukha akong tanga ngayon. Hindi pa maayos ang buhok ko. Baka nangangamoy na ako," tinakpan ko ang mukha ko.
Kinuha ni Jeo ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. "No, look at me, Hera. You're beautiful," sagot niya.
"Hindi, Jeo. Hindi," malungkot kong sambit.
"Does your look really matter to you?" tanong niya, at tumango ako. "Then let's go to the mall. I will help you feel beautiful," sabi niya at pinaandar ang kotse.
BINABASA MO ANG
Does She Know?
RomanceOn the verge of giving up, Hera is saved by Jhezo, the man she once loved. With nowhere else to turn, she accepts his offer to help her heal, seeing in it a glimmer of hope for both life and love. As old feelings resurface, Hera begins to believe th...