Natapos na kulayan ang buhok ko kaya umupo muna ako sa couch, naghihintay kay Jeo na bumalik.
Hindi ako mapakali, pabalik-balik ang tingin ko sa labas.
Saan na kaya siya? Kinakabahan na ako.
Pinaglaruan ko ang mga kamay ko at nakatingin sa baba. "Good evening po, sir," bati ng stylist, at napatingin ako sa pumasok.
Si Jeo, may dalang pagkain. Napabuntong-hininga ako at ngumiti sa kanya ng matipid. "I'm sorry, I had to go somewhere," sabi niya sa akin, at tumayo ako.
"Okay lang, kakatapos lang din naman," sagot ko, at lumapit kaming dalawa sa cashier.
Binigay ni Jeo ang black card niya, at nag-little chitchat sila ng cashier. "Thank you po, sir. Balik kayo ulit, ha," sabi ng cashier habang inaabot ang card. Umalis na kami pagkatapos.
"You look beautiful," sabi niya sa akin, at sinuklayan ko ng kamay ang buhok ko. "Where do you want us to go next? Do you want to buy new clothes?" tanong niya sa akin.
"Ah, okay lang. Wag na," sabi ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin. "Are you sure? Hera, I'm fine with buying you one," aniya.
"Nakakahiya na. Sa bahay mo na nga ako nakatira, tapos napa salon mo pa ako. Okay na ito, masyado na yatang sobra kung gagastusin mo pa ako sa damit," sagot ko bago kinagat ang labi ko.
Napatigil siya at nilingon ko kung saan siya tumingin. "Let's go over there," turo niya sa isang clothing store.
"Jeo, okay lang talaga ako," pigil ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Treat it as a gift from an old friend," nakangiti niyang sabi.
"Ang kulit mo talaga, Jeo," sabi ko habang binibira siya.
Hindi talaga siya mapigil, kaya ngayon, nasa loob kami ng store, naghahanap ng damit.
Kinuha ko ang isang maitim na baggy jeans at tinignan ang size nito. "Itong pants lang. Okay na ako," sabi ko at tinignan ang presyo nito kaya nanlaki ang mata ko. "Wag na lang pala," sinabi ko habang ibinabalik ang pantalon.
Kinuha ni Jeo ito at inabot sa saleslady. "I'll get this one," sabi niya, at nanlaki ang bibig ko.
"Yan lang..." sabi ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Jeo. "Get more," sagot niya.
"Ang mahal na, Jeo," sabi ko.
"Go ahead, Hera—spend more. My wallet's far from empty," nakangiti niyang sabi habang pinakita sa akin ang wallet niyang puno ng mga cards.
Napatakip ako sa bibig ko. "Uubusin ko yung laman ng isang card mo," biro ko, at nagsimula na akong mamili ng damit.
Pagkatapos, isinuot ko sila sa fitting room at lumabas. "Okay lang ba?" tanong ko nang makalabas ako.
Lumingon ako kay Jeo na nakabuka ang bibig niya. "It's far from okay. It suits you," sabi niya.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.
Ganito pala ako magsuot ng damit dati—kaya minsan tinatawag akong tomboy, dahil palaging black ang damit ko, tapos oversized pa. Lagi rin akong naka-jacket kapag maiksi ang damit ko.
Para akong naghahamon ng suntukan sa style ko noon. Naiba ko lang ang style ko dahil sa mga naging kaibigan ko sa college. Nag-feeling elegante ako.
Binayaran ni Jeo lahat ng pinili ko. "Thank you talaga," nakangiti kong sabi sa kanya.
"I just noticed you only brought a few clothes, and they weren't your style before. You were more into Y2K," sabi niya, habang kinuha ang mga paper bags.
BINABASA MO ANG
Does She Know?
RomanceOn the verge of giving up, Hera is saved by Jhezo, the man she once loved. With nowhere else to turn, she accepts his offer to help her heal, seeing in it a glimmer of hope for both life and love. As old feelings resurface, Hera begins to believe th...