Humihikbi akong umiiyak sa labas ng venue.
Mukha na akong tanga ngayon. Wala pa akong panyo pang-trapo sa luha ko at sipon. "Wala ba talaga ako sa'yo?" bulong ko.
Hindi niya pa nga masabi sa akin kung sino gusto niyang partner, tapos pati pag-alis niya. Buti pa siya, may plano sabihan yung gusto niyang maging partner na mag-aabroad siya. Eh ako? May plano ba siyang sabihin sa akin? O mabibigla na lang ako na umalis na siya. Wala ba talaga ako sa kanya?
Kahit as a friend lang...
"Hera," mahina niyang sambit nang makita ako sa labas. "I'm sorry. I was planning to tell you, but I was looking for the right time."
Lumingon ako sa kanya na sira na yung makeup ko. "Hindi mo naman kailangan sabihin sa akin. I understand na wala naman talaga ako sa'yo," sabi ko at tumayo. "Don't worry, pag may pera na ako, babayaran ko rin itong ginasto mo sa akin. Dapat sana hindi talaga ako pumunta dito. Nagsayang lang ako ng oras at... pera mo," sabi ko bago naglakad paalis.
"Hera!" tawag niya at tumakbo palapit sa akin.
Lumingon ako sa kanya. "Wag mo ako sundan. Gusto ko mapag-isa," sabi ko sa kanya.
Nakatingin ako sa salamin ngayon sa Haven's Salon. Maraming nagbago—pinalitan nila ang kulay at placement ng mga gamit. "Kayo ulit? Talaga naman, first love always wins," sabi nung stylist na nag-ayos din sa akin dati.
Kumunot ang noo ko, "Po? Ah, hindi niya po ako first love. Kaibigan niya po ako... yata," sagot ko habang iwinagayway ang aking mga kamay.
"Really? Parang hindi naman... yata," panggagaya niya sa sinabi ko. "Saan mo gusto putulin ang buhok mo?" tanong niya at napahawak ako sa buhok ko.
"Hanggang dito po," turo ko sa shoulder ko.
Sabi nila, hair holds memories. Kung pwede lang magpakalbo, ginawa ko na. Pero hanggang shoulder lang talaga ang kaya ng ganda ko.
Tinignan ko si Jeo sa salamin, nakaupo siya sa couch at nakatingin din sa akin, kaya napaiwas ako ng tingin.
Ang gwapo niya pa rin.
Tinignan ko ulit siya at ngayon ay nakatingin na sa magazine na hawak niya. Ibinaling ko ang tingin ko sa cover ng magazine na hawak niya.
Yun yung babae sa picture na nakita ko sa bahay niya.
Binalik ko ang tingin kay Jeo na malalim na ang iniisip habang nakatingin sa magazine. Bigla siyang tumayo at umalis. Sinundan ng tingin ko ang pag-alis ni Jeo habang ako ay nagtataka.
"Bilis, tago niyo yang magazine na yan," sabi nung isang stylist, at dali-dali naman nilang sinunod ang utos niya. "Wala na bang mukha ni Solaine dito?"
Solaine? Siya ba yung babae sa picture?
"Sino si Solaine?" mahina kong tanong sa nagpuputol ng buhok ko.
Napatigil siya. "Hindi mo kilala?" tanong niya at lumapit sa akin ang ulo niya. "Rumored girlfriend ni Sir. Kala ko nga naka-move on na siya nang makita ko na dala ka niya ulit dito," sagot niya at nagpatuloy sa pagputol ng buhok ko.
So, may girlfriend na siya? I mean, who wouldn't date him, di ba? Ganyan ka-pogi, single? Good for him.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.
At saka, ang taong gaya niya ay imposibleng mahulog sa akin.
Malapit na yung prom, tapos hindi ko pa rin alam kung sino yung magiging partner ni Jeo. Inakbayan ko si Siv, "Best friend!" bati ko sa kanya.
Kumawala siya sa pagkakaakbay ko. "Wag ka nga ganyan, baka may magselos," sabi niya, at binigyan ko siya ng pandidiri na mukha.
BINABASA MO ANG
Does She Know?
RomanceOn the verge of giving up, Hera is saved by Jhezo, the man she once loved. With nowhere else to turn, she accepts his offer to help her heal, seeing in it a glimmer of hope for both life and love. As old feelings resurface, Hera begins to believe th...