Chapter 6: Buhangin

212 6 0
                                    


Mikha's Pov.

Hapon na at kahit andito kaming walo, para kaming walang gana makipag-usap sa isa't-isa. Hindi ko naman gusto na umabot sa ganito, hindi ko rin naman alam ang buong dahilan kung bakit bigla silang nagsi-alisan sa lugar na to. Ayos naman kami kahit na iniwan na kami ng magulang namin sa puder ni Lola B, wala naman akong alam kung ano ang puno't-dulo ng pagwawalang-kibo namin sa isa't-isa.

Naalala ko pa nung umalis sina Ate Colet, Ate Maloi at Ate Aiah dito. Ang sakit lang din isipin dahil paboritong Ate ni Sheena si Ate Colet habang ako? Sobrang malapit ako sakanilang tatlo.


>> ANG NAKARAAN... <<

" ATE!!! HUWAG NIYO KAMING IWAN!! " Sigaw ni Jhoanna habang hinihigpitan ang yakap niya kay Ate Aiah. Anong meron? Ba't ganto kung makaiyak si Jhoanna?


" Mga Ate? Iiwan niyo kami? Papano na yun? Wala nang magkwe-kwento samin tuwing gabi," Paiyak na sabi ni Stacey habang hinahawakan niya ang kamay ni Ate Maloi.

" Pasensya na ha? Di na ata kaya ng mga Ate niyo ang pamumuhay na meron tayo pero huwag kayong mag-alala, babalik kami, bibisitahin namin kayo dito, hmm? " Niyakap ni Ate Aiah si Jhoanna na humahagulgol na. Habang andito ako, di alam kung anong gagawin.


" Mikha,"


" Ano po yun, Ate Co-Colet? " Sabay tingin ko sa kay Ate Colet habang di namin namamalayan na tumutulo na yung luha namin.


" Alagaan mo si Sheena para sa akin, bebe ko din yun eh, bunso ko yun, alagaan mo ha? Ayoko na di kumakain ng champorado yan araw-araw, alam mong paborito niya yan, lagi mong gisingin yan ah, antukin yan eh," Sabi ni Ate Colet.

" And lagi mong videohan si Sheena na sumasayaw ha? Gusto ko malaman kung gaano na siya kagaling sumayaw, i-update mo ko kung natanggap siya sa dance group sa school niya, mahalaga samin yun ni Sheena, ako nagpapasok sakanya dun para maabot niya yung pangarap niya, kaya suportahan mo siya dun ha? Di ko na kasi siya masuportahan ng malapit pero susuportahan ko siya sa malayo," Umiiyak na si Ate Colet, pati din ako. Mahal na mahal niya si bebe Shee, di niya kasi matiis ang bunso namin eh.


" San ba kayo pupunta, Ate? " Tanong ko. " Aalis muna kami, pupunta kami sa siyudad para makahanap ng malaking opportunity at makahanap ng magandang trabaho na mapapasukan, kung may extra kami magpapadala kami dito para pambili niyo ng pagkain at gamot ni Lola," Sabi ni Ate Aiah.


" Alagaan niyo ang Lola B, ha? May sakit na si Lola B kaya huwag niyong gagalitin o papagurin yon, malaki na kayo, kaya niyo na sarili niyo," Bilin ni Ate Maloi samin.

.

.

Dali-daling umalis sila Ate at iniwan na kami. Pero di na kami masyadong nalulungkot dahil nangako silang babalik sila para bisitahin kami.

>>I<<


Yun yung akala namin. Hindi sila bumalik simula nung umalis sila. Except lang sa bumalik si Ate Aiah nang patago para kunin si Jhoanna habang andon kami ni Sheena, nakatunganga at hinayaan si Ate na gawin yun. Pero kahit ganon, di kami nagtanim ng sama ng loob.

Huwag Muna Tayong Umuwi [ BINI au ]Where stories live. Discover now