HMTU: Special Episode 1

218 7 0
                                    


Sheena's Pov.

I woke up and I looked around to see six pair of eyes staring at me, six lang kasi tulog si Ate Colet. Hindi ko akalain na makukumbinsi ako ni Lola B na mabuhay ulit, hindi dapat talaga eh pero Lola assured me na magiging maayos na ang lahat so... yeah, I did chose to stay with my seven ate.


" AHHH!!! SHEENA!! " Sigaw ni Jhoanna para mapamura si Ate Colet.



" Sheena! De puta! Shee! " Sigaw ni Ate Colet habang tumatakbo na nakapikit ang mata at bakit niya ginagawa yung cpr sakin?


" Teh, amacana, hindi ako patay," Sabi ko at minulat ni Ate Colet ang mata niya ng dahan-dahan.



" Oh hi, Shee," Sabi niya at lumakad papaalis kaso lumingon ulit sakin ng dalawang beses.





" Shee? "



" Huh? "







" SHEE!! AHH!! "




So... long story short, andito ako ngayon na parang hindi makahinga dahil lahat sila ay yumayakap ng mahigpit sakin. I miss this and stuff pero huwag mo naman isama yung headlock ni Jho.



" I miss you so much, bebe," Sambit ni Ate Maloi habang kanina pa hinahalikan yung noo ko. " E-Ehe, I mi-miss you too... po teh,"


" Huy- let go na, hindi na makahinga si Sheena oh," Sabi ni Ate Aiah. Hays thank you at makahinga narin ako.



" Hindi ko nga ginustong mamatay pero papatayin niyo naman ako dito sa higpit ng yakap niyo," Reklamo ko at ngumiti lang sila.


" Huy- once in a lifetime lang ako mang-headlock, pasalamat ka nga libre yun," Biro ni Jhoanna. " Bwisit ka Jho, ibabalibag kita pag may lakas na ako," Sabi ko at ang lakas niyang mang-asar sakin ah.



" Hey Shee, okay ka na? " Tanong ni Ate Aiah at tumango ako.


" Ikaw ah, huwag mo kaming takutin nang ganun, sarap mong suntukin sa bagang niyan eh," Sabi ni Stacey sakin. " Ewan ko sayo, nagawa mo pang mag-make up sa ganung oras ng kamatayan ko," Biro ko.


" Para atleast maganda ako habang nagluluksa," Sabi niya. " Bwisit ka, parang gusto mo talaga akong mamatay eh," Sabi ko at tumawa siya.

Huwag Muna Tayong Umuwi [ BINI au ]Where stories live. Discover now