Chapter 10: Dito Muna

203 5 2
                                    


Aiah's Pov.

This is all messed up, alam ko it's my fault because of that open forum pero this is not what I'm expecting to happen. I thought na mas magkakaroon ng deep conversations silang lahat If they know what's happening while they're away from each other pero mas lumala pa pala.


" Colet, why do we even need to meet them so soon? " Tanong ko habang nag-iimpake na rin. We started this business kaya damay ako sa problema.

" We need them on our side, Aiah, we can't let them just go, this is a big opportunity that we're talking about," Sabi niya habang nag-iimpake na din.


Lahat kami nag-iimpake, kahit si Stacey at Gwen, napasama dahil may shares din sila dun sa business and may ten percent din sila sa company so they have no choice but to come with us.


" Jhoanna, ikaw nalang magre-represent ulit ng offer, we can't let this happen, okay? " Sabi ni Colet at as usual, hanggang oo nalang masasabi ni Jho ngayon. Malaki na tong problema kay Colet eh.


" Kailan ba tayo makakahinga ng maluwag? " Pabulong na sabi ni Jhoanna kay Maloi na dinig na dinig ko pero I let them. I'm thinking the same, It feels like masyadong mahigpit si Colet.


" Maya-maya, aalis na tayo, say goodbye sa dalawa, I'll give you five minutes," Sabi ni Colet at tumango silang apat, kumaripas sila ng takbo para makapunta sa villa nila Shee.

" Di ba pwede tong mapagpa-bukas, Colet? " Tanong ko. " Di pwede, mag-uumaga narin naman ang they're giving us only few hours to change their minds," Sabi ni Colet habang tinatawagan yung company number na pupuntahan namin.





Oh geez.












Mikha's Pov.

Nakahiga na nakatagilid si Sheena, halatang napagod kakaiyak. Alam ko, gising pa siya dahil sa bigat ng paghinga niya. Balak ko sanang pumunta sakanila kaso nakita ko sila sa pintuan.


" O-Oh? Akala ko aalis na kayo? " Tanong ko na ikinalingon ni Sheena. Medyo mapula ang mata pero di halata na umiyak siya.

.

.

.

" Meron lang kaming five minutes para magpaalam eh," Sabi ni Gwen habang niyayakap ng mahigpit ang bebe sheena niya at sumunod si Ate Maloi habang nakakabit si Stacey sakin.

" Di pa ba kayo aalis dito? Kayo nalang dalawa matitira," Tanong ni Stacey samin at iniwasan ko siya ng tingin dahil ang tinitignan ko ay si Sheena. Siya lang naman ang nakakaalam ng sagot eh.


" Sumama nalang kaya kayo samin? Dadaan naman yung van natin sa bahay ninyo," Sabi ni Gwen at humindi si Sheena. " Kayo nalang, dito lang ako, gusto ko tuparin yung pangako ko kay Lola," Sambit ni Sheena na nakatingin sa picture frame na nakakabit sa dingding.


" Dala-dala mo pala," Sabi ni Ate Maloi at hinawakan ang larawan. " Kailan ko ba nakalimutang hindi dalhin yan? Yan na nga lang lucky charm ko sa dance contests," Sabi ni Sheena na ikinangisi naming lahat.




" Guys, five minutes done," Biglang sabi ni Ate Aiah na kakarating lang sa harap ng pintuan namin. Umalis na silang apat, di nakakalimutang yakapin kami bago umalis.


" Okay ka lang ba? Nangyari na naman ulit yung dapat hindi na mangyari," Tanong ko at ngumiti lang siya sakin habang nakatitig sa larawan sa dingding.





" Hmm... ito yung gusto ni Lola, kahit isa man lang satin, manatili dito hanggang sa matapos yung kaarawan niya, malapit na yun eh," Sabi ni Sheena, hinawakan ko ang kamay niya.











Ang lamig.

.

.

.

.

.

.

.

.

Napasandal yung ulo niya sa balikat at hinimas-himas ko ang buhok niya. Gawain ko na to dahil mas madaling makakatulog si Sheena kapag nilalaro yung buhok niya.




" Salamat Mikhs, for being my Ate, what would I do without you? " Bigla niyang bulong sakin na ikinangiti ko.






" Same here, Sheena, I couldn't live without seeing that smile of yours,"


















" Huh? Sheena? Uy- "

Huwag Muna Tayong Umuwi [ BINI au ]Where stories live. Discover now