Chapter 13: Dilim

210 7 7
                                    


Mikha's Pov.

Umiinom naman siya ng gamot? Ba't bumabalik? Bakit siya ang dapat madatnan ng ganitong sakit? Pagod na nga yung tao oh, pinapagod niyo pa ng husto.


" Mikhs, kailan nagsimula ang lahat ng mga to? Kailan siya nagkaganito? " Tanong ni Ate Aiah. Napayuko ako sa oras na yon, sakit din sa parte ko na hindi ko magampanan yung pagiging Ate ko kay Sheena.



" Fifteen years old siya nun, she started to feel weak as the day goes by, pero dahil sa eager siyang mag-practice since malapit na yung upcoming dance fest sa school nila kaya hindi niya na naaalagaan yung sarili niya ng tama, not all the time... andun ako sa tabi niya para paalahanan siya na kumain sa tamang oras at uminom ng vitamins, nagulat nalang ako na may napapansin akong mga pasa sa katawan niya,"

" Akala ko binubugbog siya sa school kaya dali-dali akong nag-report sa principal kasi yun yung akala ko pero hindi pala, pina-check up ko siya after, bigla nalang sila nagpa-run ng blood tests and stuff... dun ko nalaman na may leukemia siya," Kwento ko.



" At hindi niyo talaga binalak na sabihin samin yun? " Tanong ni Ate Colet.



" Dahil yun din yung araw na pinapatigil mo siya sa pagsasayaw, kaya mas nagbalak siyang ipagpatuloy yun at ipakita sayo na may makukuha tayo sa pagsasayaw niya," Sabi ko at yun ang rason kung bakit nakita kong umiiyak si Ate Colet. I never saw her cry before kahit nung bata kami, she's one of the toughest person and I idolize her because of that.


" Araw-araw nalang umiiyak si Sheena nang patago at nagdadasal na sana, masuportahan mo siya ulit sa passion niya when it comes to dancing, ikaw yung nagpamulat sakanya pero ikaw din pala ang sisira.. iisa lang naman ang gusto niya... "








" Yung maging proud kayo sakanya... kahit yun man lang, hindi niyo naibigay sakanya "









Colet's Pov.

Nag-desisyon nalang na ako muna ang magbabantay, I insist narin naman. It's been awhile since nakasama ko si Sheena matulog pero hindi naman sa ganitong paraan.


" Ate, mauna na kami," Sabi ni Gwen at tumango nalang ako. " Dalhan ka nalang namin ng pagkain mamayang hapon," Sambit ni Jho.


" Hi beh, pupunta muna kami sa bahay natin ah? Babalik kami agad, sana gumising kana ah, gusto ko nang marinig yung tawa at boses mo, I miss you," Mahinang sabi ni Maloi sabay halik sa pisngi ni Sheena.

Huwag Muna Tayong Umuwi [ BINI au ]Where stories live. Discover now