Chapter 8: Hatinggabi

245 7 0
                                    


Sheena's Pov.

Kumakain ako sa loob ng kwarto namin. Ayaw ko kasing kumain dun sa hapagkainan dahil baka ako naman bunot nila dun. At may ininom ako habang may binabasang papel kaso biglang bumukas yung pinto


" Shee, tawag ka ni Mik- " 

.

.

Napatulala si Ate Maloi nang makita akong may iniinom na mga gamot. It's now or never na.




" Shee, kailan pa toh? " Tanong ni Ate Maloi at kinuha yung papel na hawak-hawak ko.


" Leu-Leukemia? " Nagtaka si Ate Maloi sa nababasa niya nang biglang dumating si Mikha.





" A-Ate," Tawag ni Mikha sakanya. 


" Alam mo to, Mikhs? " Tanong ni Ate Maloi na hinayaan niya lang tumulo ang luha sa mata niya.

.

.

Tumayo ako at nabigla ako nung niyakap ako ni Ate Maloi. Sinara ni Mikha ang pinto para walang makakita samin.

" Sh-Sheena, ba't wala kang sinasabi sakin? Sa amin? " Tanong niya sakin, di parin siya bumibitaw, yakap-yakap niya parin ako. " Ate kasi... ayaw kong sakit ko ang rason para maging close tayo ulit, gu-gusto ko na bumalik yung closeness natin dahil... miss natin ang isa'-t-isa, kaso nalaman mo na kaya wala akong magagawa kundi hayaan nalang," Sabi ko at hinarap niya ako.


" Bebe Shee, you are my bebe, okay? Never akong naging galit sayo, hmm? Huwag mong iisipin na ayaw kitang makita, alam mo bang araw-araw sa tuwing may nakikita akong sumasayaw sa mga stage? Naiisip ko... Ikaw,"



" Tinatanong ko yung sarili ko na, pano kung andito si Sheena? Sigurado ako na ikaw yung pinakamagaling na dancer dun sa stage na yun, lahat nalang kasi ng madadaanan ko, Shee, naaalala kita eh... mapa-mall, park, restaurant, ikaw yung naaalala ko, ikaw yung laman ng puso't-isip ko parang pinapamukha sakin lahat ng pagkukulang ko sayo," Sabi ni Ate Maloi na humahagulgol na sa pag-iyak. Di namin namalayan ni Mikha na umiiyak na rin kami sa sitwasyon ngayon.

.

.

.

.

.

" Pasensya na kay Ate ha? Nangako ako na babalik ako dito pero hindi ko nagawa, sorry, sorry Shee, sana mapatawad mo ko," Paiyak niyang sabi. Napaupo kami sa kama ko habang pinapatahan si Ate Maloi sa pag-iyak.

" Ate Maloi- " Napatingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko.


 " Alam mo bang masaya ako ngayon? " Patanong kong sabi.




" Dahil sa wakas, nayakap ko muli yung Ate Maloi ko, niyakap ako ng nagsisilbing dilaw sa buhay ko," Ngiti kong sabi.

Huwag Muna Tayong Umuwi [ BINI au ]Where stories live. Discover now