Chapter 1: Dito

1.1K 15 1
                                    


Sheena Pov.

As usual, nasa work si Mikhs habang ako nag-aaral. Work from Home lang muna si Mikhs kasi hindi niya daw kaya na iwan ako ng mag-isa sa bahay kahit andito naman si Juyon, yung aso ni Ate Maloi, naiwan samin dahil mas nauna silang umalis sa bahay kaysa samin.


" Shee, you okay? Kanina ka pa tulala," Lumapit si Mikhs sakin na may dalang almusal which is yung paborito ko, champorado. Dati, hindi ako pwede pumasok ng school ng hindi natitikman ang mainit na champorado ni Lola B namin.

Lola B, tawag namin kay Lola. Tawag kasi dati sakanya nung bata Binibini dahil sa angking ganda, kaya pala, ang ganda ng mga kapatid ko, isama niyo na ako diyan. Kaya rin pala ang ganda ni mama, kaya andali niyang makahanap ng kapalit ni Papa.

.

.

" Naalala mo na naman si Lola sa champorado noh? Parehas tayo, sorry if hindi yan parehas sa luto ni Lola ha, puno kasi ng pagmamahal ang nirekado ni Lola sa champorado habang ako, sama ng loob dahil sa mga ate mo," Niyakap niya ako at naluha ako dahil dun.

Kami ni Mikhs ang huling nakaalis sa bahay na yun. Buti pa si Jhoanna, naitakas ni Ate Aiah sa bahay habang ako, iniwan lang dun na nakatingin sa pag-alis nila habang si Mikhs, walang magawa dahil medyo bata at duwag kami nun nung nagsilayasan na sila Ate. Oo, pangalawang bunso si Jho pero dahil sa paborito at mahal siya ni Ate Aiah, nagtake ng risks si Ate para makuha siya at mailabas siya sa magulong pamamahay na yun.

" Hayaan mo na, Mikhs, kahit nga ako, hindi matanggap yung nangyari satin dati, iniisip ko pa nga na kasalanan ko kung bakit nagkawatak-watak tayo," Sabi ko at napabuntong-hininga nalang siya.

" No Shee, hindi mo kasalanan, kasalanan yan ng mga dakilang magulang natin na iniwan tayo pagkatapos nilang kunin yung yaman ni Lola at pagkatapos tayong iwan na wala man iniwan na dahilan kung bakit," Ngumiti nalang ako. Wala naman rin akong masasabi eh.

Hindi naman kami ganito kalapit ni Mikhs dati, sadyang naging malapit kami dahil ang masasandigan nalang namin ay yung isa't-isa, wala ng iba pa. Hindi naman namin masasandigan sila Ate, di din namin alam kung san sila nakatira. Ang alam lang namin ay andito din nakatira malapit si Ate Gwen at Ate Stacey kaso ang iba naming ate, kahit anong libot namin, wala kaming natagpuan ni anino nila. Mukhang ayaw talaga nilang makita kami.

Ano bang ginawa namin para maging ganito trato nila samin?




" Kainin mo na yan, Shee, lalamig na yan," Sabi niya at tumango ako. Nang biglang may kumatok sa pintuan namin.



Ang aga pa para sa ganito.






" Ano po yun? "



" Bebe,"





" Bebe? Stacey? Ba't andito kayo? " Tanong ko at nagtaka din si Mikhs na nakaupo pa din sa lamesa.

" Hindi niyo ba alam kung anong araw ngayon? " Tanong ni Gwen sakin na ikinataka namin ni Mikhs.

Huwag Muna Tayong Umuwi [ BINI au ]Where stories live. Discover now