Chapter 3: Dalampasigan

265 7 0
                                    


Mikha's Pov.

Kakagising ko lang dahil huminto yung van ni Ate Gwen. Mukhang nakarating na kami ah. And wow, hapon na kami nakarating dito?


" Ano? Ready na kayong makita ulit ang bahay ni Lola? Miss ko na ding maligo sa dalampasigan kaya," Sabi ni Stacey habang binababa yung maletang dala-dala niya. " Piskit, ba't ang dami mong dala? Balak mo bang dito tumira hanggang tumanda? " Tanong ko at tumawa ng patago si Shee at Gwen.

" Oh, akin na bag mo, nabibigatan kana ata eh," Sabi ni Gwen at kita ko, selos si Stacey. Pano kasi, yung dati niyang ka-close na si Jho, kaaway niya na ngayon pagdating sa achievements sa life.


" Thank you, Bebe, love you,"


" No worries, Bebe,"



" Teh, magkapatid kayo, oo, hindi mag-jowa," Sabi ni Stacey habang hinihila yung dalawa niyang maleta. " Akin na nga maleta mo, pucha- naka-heels ka pa sa sitwasyon natin ngayon ah," Tumawa ako. Si Stacey talaga happy pill namin oh.

" Tawag diyan, tiis ganda, palibhasa kasi inggit kayo kasi ako yung tinatawag ni Lola na pinakamaganda kaysa sainyo," Payabang niyang sabi. " Excuse me, si Mikha yun at si Ate Aiah ang nagagandahan ni Lola, ba't nadamay ka? " Ayan na nga si bunso.



" FYI, sino bang nadapa tas nasalubsob yung mukha sa tae ng kalabaw? "


" Luh, sino naman ang natutulog tas tumutulo yung laway? "


" Sino yung nagawang uminom ng tubig sa inidoro nung bata? "


" Says the one na ginawang clay yung poop ng carabao, it's so kadiri,"


" Inangyan, ang arte, pinaglihi ka ba ng nanay mo sa kakanood kay Anne Curtis? "



" Huwag mo idamay si Idol Anne Curtis, baka masapak kita ng wala sa oras," Sabi ni Stacey.

" Tama na nga yang bardagulan niyo, yan na naman kayo eh," Sabi ko at hinila si Stacey palayo habang andon si Gwen at Shee, tumatawa. Naalala nila guro yung mga funny memories namin. " HOY! Dalian niyo na diyan, ambabagal niyo! " Sigaw ni Ate Colet habang bumababa sa hagdanan.

Tumawa kami ng palihim dahil baka dumiin yung pindot ni Anger at matalakan kami ng wala sa oras.

.

.

.

.

.

.

.

Pagdating namin sa lugar na yun. Naramdaman ko ulit ang magandang simoy ng hangin at ang dalampasigan kung saan doon kami naglilibang ng kapatid ko nung mga bata pa kami.


Kaso iba na yung ngayon kaysa sa noon.


Huwag Muna Tayong Umuwi [ BINI au ]Where stories live. Discover now