Chapter 11

27 2 0
                                    

KABANATA 11

NAPAHINGA nang malalim si maria nang makita niya ang kaniyang sarili sa salamin, hindi niya inaasahan na makakasuot siya nang ganong mga damit na hindi nauso sa kanila.mukhang kailangan niyang sanayin ang kaniyang sarili sa mga damit nang Ganon. muli na Naman niyang sinulyapan ang kaniyang kabuuan sa salamin bago niya napagdesisyonang lumabas na nang cr.muli na Naman niyang sinuri ang kaniyang Suot dahil tila pakiramdam niya ay wala siyang suot na damit dahil sa Gaan nito sa katawan.

na pansin Naman agad ni Justine ang paglabas nito sa cr at tiningnan ang buo nitong kabuuan bago na patango.

na pahawak Naman sa batok si maria dahil sa hiya, sapagkat Ngayon lamang siya nakapagpalit nang damit na lalaki pa ang kasama niya sa silid kung sakaling sa kanilang Lugar ito ay baka iba ang iisipin nang makakakita sa kanila.

"Tara na, siguradong kanina pa tayo hinihintay nila." usal ni Justine at tumayo sa sofa bago muling kunin ang kamay niya at hilahin. hinawakan nito ang sinadura at binuksan ang pintuan bago sila lumabas.

na agaw nang mga katulong ang atensiyon nila habang bumaba nang hagdan kaya nag ipon ipon ito upang makiusyuso at tingnan na parang mga artista na hinahangaan nang mga taga hanga."bakit ang Ganda niya?," pagkuway wika nang Isang dalagitang katulong at humawak sa baba habang nakatingin sa kanila."ano kaba, eh nakabihis lang naman siya kaya maganda." pagtutol nang isa pangkasama nito bago tingnan muli ang dalawa na nakababa na nang huling baitang nang hagdan.

dumiretso sila sa Sala kung saan naroroon ang mag asawa.napansin Naman agad iyon nina Mrs at Mr Salvacion kaya nahihiyang naglalakad si maria habang nakayuko at hawak hawak ang kaniyang dress.

pinaupo naman ito Nang ginang sa tabi niya at napapalakpak ito dahil bumagay sa kaniya ang kasuotan na kaniyang Suot. "ija talagang napakaganda mo,at siya nga pala Anong tunay mong pangalan?" magiliw na tanong nang ginang habang nakatingin parin sa kaniya.na patingin naman si maria sa mag ama na nakatingin din sa kaniya Ganon din ang mga katulong na gumagawa nang mga gawaing bahay Ngunit nakatuon ang kanilang pandinig sa usapan nang kanilang mga amo

"ako nga po pala si Maria Marella Eliza Emmanuela Selena Elizabeth Fantastica Melania Dahlia  Dela Torre."pagmamalaking Sabi nito at kaunting yumuko.laglag panga Naman ang kanilang mga reaksyon sa pangalan na sinabi ni maria.ganon din ang mga katulong na napatingin din sa kinaroroonan nila na may panlalaki ang mga mata."s-sigurado kaba na iyan ang iyong pangalan? hindi ba iyan gawa gawa mo lang?"hindi makapaniwalang wika nang ginang bago tumingin sa kaniyang asawa.hindi Naman halos nakagalaw si Justine at bakas sa kaniyang mukha ang hindi makapaniwala.

na palunok si maria bago tumango."iyon po talaga ang aking tunay na pangalan señora." baka sa mukha nang dalaga ang kinakabahan dahil tila hindi naniniwala sa kaniyang ang mga taong nasa kaniyang harapan.

"ah Ganon ba," nagdadalawang isip na pagsang-ayon ni Mr Salvacion.dahil sa tagal na niyang namuhay sa Mundo ay ngayon lamang siya makarinig at nakakilala na Ganon kahaba ang pangalan."ngunit kong Kayo'y nahihirapan sa pagbigkas nang aking buong pangalan ay maaaring maria na lamang ang inyong itawag sa akin." nakangiti nitong Sabi.

sa kabilang Banda Naman ay labis parin ang pagkagulat sa mukha ni Justine dahil Ngayon lamang siya nakakilala nang tao na subrang haba nang pangalan at mukhang hindi pangkaraniwan.

pinag aaralan niya ang bawat kilos at pananalita nang dalaga maging ang kaniyang mga gawi ay kaniyang pinag-aaralan.

"Good afternoon Tito titaaa!!" na patigil si Justine sa pag iisip nang may malakas na sumigaw Buhat sa may pintuan kaya napalingon sila isa isa roon.

na pakunot ang noo ni Justine dahil naririto ang mga pinsan niya.na patigil siya nang makita niya ang pinsan niyang lalaki na kasama ang girlfriend nito na dati ay.. girlfriend niya.

CROSSING PATHS IN TIME Where stories live. Discover now