KABANATA 7
"Ano ang Sabi mo?hindi pwede baka magalit nanaman si Dad sakin kong sa bahay ko nanaman siya papatirahin." sigaw ni Justine at tumalikod Kay Ziven na parang Isang bata. nasa office sila ni Ziven at nag uusap at na isip ni Ziven na pwedeng manatili si maria kahit saglit lang sa bahay nila kaya nag sisigaw ito.
"Justine nakikiusap ako sayo kung maaari ay sa inyo muna siya,at kapag nakahanap na ako nang condo kukunin ko siya sa inyo." Sabi ni Ziven at tinukod ang mga siko sa mga sariling hita at pinagsiklop ang mga palad.
na paharap si Justine Kay Ziven na nakataas ang kilay."so sinasabi mo na ibabahay mo si maria, Hangga't hindi pa niya nakikita ang pamilya niya?"nagtataka nitong tanong,na pailing Naman si Ziven sa sinabi ni Justine.
"hindi ko siya ibabahay,nais ko lang siyang tulungan nakakaawa Naman siya kong pababayaan natin siya palaboy-laboy lansangan at......napapansin ko rin na parang wala siyang alam sa lahat nang bagay,maging ang pagkain ay tila bago sa kaniyang paningin."sambit ni Ziven at humalumbaba at iniisip ang mga nangyayari ngayong gabi.ngayon ay pinatulog muna nila sa sofa si maria dahil wala itong matutuluyan kong ipapalabas nila ito sa office at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya.
Buti na lamang ay Overnight Ngayon si Ziven dahil sa maraming mga papeles at mga bagong kaso ang dapat asikasuhin kaya napagdisesyonan niyang dumito muna si maria sa office niya.
" so Anong paki ko sa kaniya?"tila naiinis na sambit ni Justine hindi na lamang umimik si Ziven at sumandal na lamang sa sofa.
"dito ka na muna matulog,para sabay na kayo bukas bumalik sa bahay niyo." na papikit na lamang sa inis si Justine dahil tuloy talaga ang Plano na sa kanila titira ang babaing minsan na niyang pinalayas.kung isipin man nang mga magulang niya na binabahay na niya ang babae ay may ipapalusot naman siya.
kaya na patango na lamang siya sa idea ni Ziven bago nahiga sa sofa ,tumayo Naman si Ziven at pumunta sa desk niya at kinuha ang sandamak mak na papel.
habang nag iisip si Justine at ang mga braso ay sa noo bigla siyang nakaramdam nang uhaw kaya tumayo ito at pumunta sa kusina kong saan natutulog si maria sa sofa.
Bali ang kusina nang office ni Ziven ay may sofa kaya payapa lamang na natutulog si maria.
binuhay ni Justine ang flashlight upang makita niya ang kaniyang dinaraanan.buti na lamang at may ilaw na kandila sa katabing Misa ni maria kaya kahit papaano ay may liwanag parin.
na patigil siya nang nasa tapat na siya ni maria bago ito kaniyang nilingon.sa hindi inaasahan ay tila siya Isang magnet na hinihila.
nang nakaluhod na siya ay pinagmasdan niya nang mabuti ang babaing payapang natutulog.aninag na aninag niya ang mukha ni maria dala nang liwanag nang kandila.
pinagmasdan niya nang mabuti ang mukha nito.matangos na ilong ,mahabang mga pilik mata at mapupulang labi at makinis na mukha.sinuyod niya ang buong katawan ni maria una niyang napansin ay ang mahabang saya at suot nitong mga damit maging ang palamuting nasa kaniyang buhok at Isang pamaypay na hawak hawak nito.
na pailing na lang siya dahil napaka weird nang babaing kaniyang kaharap.
tumingin siya sa paahan nito at nakita niyang malapit nang mahulog ang kumot ng dalaga kaya inayos niya ito Hanggang sa dibdib.gumalaw si maria at napatihaya nang higa kaya Malayang Malayang niya itong na pag mamasdan ni Justine ang kabuuan nang makuha nito.tunay ngang nakakaakit ito dahil sa mamula Mula nitong mga labi .
na pailing si Justine at sinampal sampal ang sarili."gumising ka Justine,bakit pati siya pinagpapantasyahan mo," suway nito sa sarili.tumayo na siya dahil ayaw niyang magtagal siya sa pagtitig rito at baka mahuli pa siya.
YOU ARE READING
CROSSING PATHS IN TIME
Random"Maria, kahit Ikaw pa ang pinaka werdong babae na nakilala ko, at kahit Ikaw pa ang may pangalan na kasing haba nang pacifico ay hindi ako mag sasawang banggitin iyon nang paulit ulit." saan hahantong ang pagmamahalan nilang dalawa, at saan aabot a...