Chapter 18

36 2 0
                                    

nasa labas pa lamang ako ay akin nang nadidinig ang mga boses na nag tatalo.at sa boses pa lamang ay alam konang si tiya iyon at si Justine.

"Malaki na ako mommy, hindi niyo na ako kailangan bantayan pa!."rinig kong wika nito.nag lakad muli ako upang pumasok sa loob ngunit napatigil ako sa sunod pa nitong sinabi.

"bakit kailangan mo pa akong pabantayan sa babaing iyon,hindi natin siya Kilala at hindi natin siya kaano ano. bakit....bakit kailangan mo pa siyang ituring na parang Isang anak kung pwede mo naman siyang ituring bilang katulong!."hindi ko batid ang aking nararamdaman nang marinig ko iyon mula sa kaniya, ang aking buong Akala ay tanggap na niya ako bilang Isang taga-bantay niya.hindi ko alam na hindi pa pala niya iyon tanggap.

"anak kung hindi ko iyon gagawin, wala siyang pupuntahan wala siyang maituturing na Isang pamilya." rinig kong wika nang nanay nito.na rinig kong tumawa si justine.kahit hindi ko nakikita ang reaksyon niya ay batid kong nakakunot na ang mga noo niya at nakasalubong ang makakapal niyang mga kilay.

"so problema na natin iyon? mom, it's not our problem that she doesn't have a place to stay, and first of all, we don't know her, we don't even know where she's from! "hindi ko man maintindihan ang kanilang sinasabi ay batid kong hindi iyon maganda." anak kung papaalisin natin siya Ngayon ay saan siya tutuloy, hindi natin alam kong saan siya pupunta."rinig kong wika ni tiya.

" bakit ba kailangan ni'yo paalisin Yung tao,bakit ni'yo kailangan ipagtabuyan si maria, porket ba hindi nin'yo Kilala Yung tao ituturing niyo nang Ganon!."

tumalikod na ako dahil hindi Kona kaya iyong pakinggan, masakit para sa akin ang Marinig ang mga salitang iyon. kahit sabihin nating hindi natin sila pamilya.

tumakbo ako papunta sa harden at umupo sa Isang silya.nakita ko itong harden na ito Nung unang labas ko galing sa mansion.

nilabas ko ang boting aking dala dala.at tinitigan ito kulay pula ang kulay niyon at hindi ko batid kong matamis ba ito o hindi.

binuksan ko iyon at inamoy,ako'y kaunting na palayo dahil sa tapang ni'yon.patawad Ina,kung ang nag Iisang anak ni'yo ay iinom nang alak.batid kong kayo ay magagalit kong sakaling ito'y inyong malaman.

tumikim ako nang kaunti ngunit agad ko iyon na ibuga sapagkat napakapait na may pagkamaasim."ano ga iring alak na ito at subrang napakapait." wika ko sa aking sarili at minsan pang inamoy.

pikit mata ko iyong tinungga at nilunok, gumuhit sa aking lalamunan ang pait at tapang na Ngayon ko lamang natikman.habang tinutungga ko iyon ay bumalik sa aking alaala ang aking mga naulinigang mga salita.hindi ko man sila maintindihan sa gamit nilang mga salita ngunit tumatagos parin iyon sa aking puso.

tuloy tuloy ang aking paglunok nang inumin habang walang humpay ang pag buhos nang aking luha.para iyong mga ulan na hindi kailan man titila.

Ngayon lamang ako nakaramdam nang ganitong pakiramdam,o sadyang nasanay lamang ako sa pagmamahal at layaw nang aking mga magulang.

sa bawat Araw buwan at taon na lumipas kailanman ay hindi ako nasigawan at napagsalitaan nang masasakit na mga salita.

binaba ko ang boting may lamang alak at pinunasan ang aking mga luha."Ina,ama n-nasaan na kayo nais ko nang umuwi,n-nais ko nang mayakap kayo."usal ko at hindi ko na mapagilan ang mapaluha.sa mga oras na ito ay wala akong kakampi wala akong kasama,wala akong mapagsabihan nang aking mga nararamdaman.

"Ina, patawad kong Kayo'y aking sinuway,siguro ay ito na ang aking parusa buhat Kay bathala dahil sa aking hindi pagsunod sa inyo."na patingin ako sa langit habang walang humpay ang pag tulo ng aking masaganang luha.

kung ito man ang parusa sa akin ay malugod ko itong tatanggapin, sapagkat wala akong karapatan na ito'y tanggihan.

tumungga muli ako at sa pagkakataong iyon ay hindi ko iyon binaba Hangga't hindi ko iyon nauubos.

CROSSING PATHS IN TIME Where stories live. Discover now