Nagising si Justine dahil sa pagtama nang Araw sa kaniyang mukha galing sa bintana.inalala niya ang nangyari kagabi ngunit sumasakit lamang ang kaniyang ulo,at may hang over pa siguro. naalala niya ulit ang nang yari bago siya pumunta sa bar at makipag inuman sa kaniyang mga kaibigan.hindi niya naisip na ganito ang mangyayari sa kanilang dalawa nang Girlfriend niya.
5 years na sila magkasintahan ngunit Ngayon pa talaga nagawang mag luko nang kasintahan at sa pinsan niya pa mismo. iwinaksi na lamang niya ang isiping iyon dahil lalo lamang siyang masasaktan kung patuloy niya pa iyon iisipin.
"Jusmiyo,Anong Lugar ito!"na pabangon si Justine nang may pagtataka,nang may sumigaw ngunit ang kaniyang ipinagtataka ay tila malambing ang pagkakasigaw ni'yon,at hindi mo aakalain na nagulat ito.na pakunot ang noo niya nang makita niya ang Isang babaing nakatayo sa tapat nang kaniyang kama at nililibot ang buong kwarto.
siguro ay nananaginip lamang siya o hindi Naman kaya ay dahil ito sa hang over niya kaya nakikita niya ang mga bagay na ito.
sinuyod niya ang buong kabuuan nang babae at na pangiwi siya nang makita niya ito na tila naka costume ito.
na patingin naman ang babae sa dako ni Justine at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa buong katawan nito."ahhh mag hunos dili ka ginoo,bakit wala kang kasuotan!." sigaw nito bago tumalikod upang hindi makita ang katawan nang binata na walang pang itaas.
hindi ito pinansin ni Justine dahil Akala niya ay guni-guni lamang niya iyon dahil sa hang over,bagkos ay tumayo siya at pumunta siya sa banyo upang mag hilamos,sa subrang lasing siguro niya ay nakakakita na siya nang ibang bagay.
nang pagkatapos niyang mag hilamos ay lumabas na siya nang banyo upang bumama sa kusina.
na patigil siya nang may naririnig siya na tila may nagsasalita,kaya dahan dahan siyang naglakad papunta sa kinaroroonan nang mumunting ingay.
"Anong klaseng tahanan ito." rinig niyang sambit dahil hindi pa talaga niya nàkikita kong sino iyon,o baka Naman ay may nakapasok na magnanakaw sa mansion nila ngunit malabo iyong mangyari dahil napapaligiran nang security guard at security system ang kanilang bahay, loob man o labas.
"ako'y lubos paring humahanga sa bahay na ito,sino kaya ang inhinyeriya nito?"maingat niyang hinawakan ang sofa at napatigil ang dalaga nang malambot ito na tila ba Isang bulak sa unan."maging ang kanilang upuan ay napakalambot na tila Isang bulak." ni libot pa nito ang buong paningin sa loob nang silid at hindi nawawala sa mukha ang pag kamangha.
kinusot-kusot ni Justine ang kaniyang mga mata baka nananaginip pa talaga siya kaya niya nakikita ang babaeng ito.
na patakbo ang babae sa nakabukas na binta at dumungaw ,na panganga siya nang makita niya ang labas.maraming kotse mga bahay,at mga poster nang mga artista.
"ginoo,ano ang tawag sa bagay na iyon?" turo niya sa kotse na naka park sa Isang garahe,tumingin ang dalaga Kay Justine na nakanganga at nang siyang matauhan ay saka sinampal sampal ang sarili kaya napatakbo muli ang dalaga sa kinaroroonan niya."ginoo bakit ho ninyo sinasaktan ang iyong sarili?."pigil na tanong nang dalaga habang nakatitig ito sa kaniya.hindi niya malaman kong Anong miron sa babaing kaharap at parang ang weird nito para sa kaniya.
na kita niyang napakunot ang noo nang dalaga nang tingnan siya nito sa kaniyang mga mata."Ginoo,bakit tila naiiba ang iyong mga mata,bakit tila kulay bughaw ang mga ito, ito ba'y iyong kinulayan na makulay na bagay?" nag tatakang tanong nito at tutusukin na sana ito Nang agad niyang hawakan ang kamay nang babae. pero nag pumiglas ito at nanlalaki ang mga mata.
"kalapastangan ang iyong ginagawa ginoo, hinawakan mo ako na walang pahintulot Mula sa akin!." sigaw nito kaya nag panic si Justine dahil alam niyang rinig na rinig ang boses nang dalaga sa kanilang salas. "shhhh keep quiet, you might be heard in the living room." pigil nito at muli na namang niyang hahawakan ngunit lumayo na ito sa kaniya na hawak ang kaniyang sarili.sisigaw na sana ito muli nang maisip niya ang laging binibilin nang kaniyang ina.kaya huminga ito Nang malalim upang pakalmahin ang kaniyang sarili.
YOU ARE READING
CROSSING PATHS IN TIME
De Todo"Maria, kahit Ikaw pa ang pinaka werdong babae na nakilala ko, at kahit Ikaw pa ang may pangalan na kasing haba nang pacifico ay hindi ako mag sasawang banggitin iyon nang paulit ulit." saan hahantong ang pagmamahalan nilang dalawa, at saan aabot a...