Na pangiti ang Isang dalaga habang pinagmamasdan ang natatanging bulaklak sa bakuran nila. kung ito'y pag mamasdan natatangi ang Ganda nito sa iba pang bulaklak na naroroon.
inamoy amoy niya ito at na papikit na lamang ang kaniyang mga mapupungay na mga mata dahil sa hatid nitong bago nang bulaklak.
"tunay nga na Ikaw ay nakakahalina't hindi na kakasawang pag masdan. maging ang iyong amoy na natatangi sa lahat na naririto", mahinang bulong nito na tila kinakausap ang marikit na bulaklak na kaniyang hawak hawak.
"maging ang iyong kulay at mga sanga ay tila na iiba sa lahat nang iyong mga kasama hehehe." hagikhik nitong sambit bago amuyin muli ang bulaklak.
"Binibining maria kayo po ay kanina pang hinahanap nang inyong ama!" na pamulat nang mata si maria nang may sumigaw Buhat sa kaniyang likuran,nilingon niya ito Nang dahan dahan bago tumayo nang lumapit sa kaniya ang kaniyang katulong.
"bakit ako hinahanap nang aking ama?, sapagkat nag paalam Naman ako kanina sa aking Ina?" nag tataka nitong sambit."at naririto lamang ako sa ating bakuran Sonya,ako'y hindi mawawala rito." wika ni maria bago nilibot nang tingin ang buong paligid. si maria ay nag Iisang anak lamang nang Isang kapitan sa bayan nang San Antonio.
sa mahabang panahon ay tila nakakulong siya sa Isang silda dahil bantay sarado siya nang mga kawal nang kaniyang ama.
bawal siyang gumala o kaya Naman ay bawal siyang lumabas sa bayan upang mag liwaliw, kung siya ay na iinip sa kanilang tahanan ang tanging kaniyang libangan lamang ay ang harden sa kanilang likod bahay.
pinag masdan niya ang buong harden, makukulay ang kulay nito at birdeng birde ang mga dahon nila.may mga paro paro din na umaaligid rito upang amuyin ang natatangi nilang halimuyak.
tila nasaktan si maria sa nasaksihan at hiniling niya na sana ay siya na lang ang isa sa mga paro paro na lumilipad na mayroong kalayaan na Gawin ang lahat nang kanilang naisin.
"sadyang na pakaswerte ninyong lahat,sa pagkat inyong nagagawa ang inyong mga nais," bulong nito na tila kausap ang sarili.
lumingon muli si maria bago ngumiti at nag patiuna." Tara na pasok na tayo."nakangiti nitong usal subalit bakas sa kaniyang mga mata ang lungkot at ang sakit nang kalooban.
saan nga ba aabot ang pagiging strikto nang kaniyang mga magulang.
ating tunghayan ang kwento nang Isang dalaga na mag lalakbay pa sa kaniyang Buhay na nag hahanap nang kalayaan at pagmamahal.
YOU ARE READING
CROSSING PATHS IN TIME
Random"Maria, kahit Ikaw pa ang pinaka werdong babae na nakilala ko, at kahit Ikaw pa ang may pangalan na kasing haba nang pacifico ay hindi ako mag sasawang banggitin iyon nang paulit ulit." saan hahantong ang pagmamahalan nilang dalawa, at saan aabot a...