Tao pa ba ang pumapasan ng mundo?
Sa laki ng iniaalay na puso,
Ng bayaning nananauli ng pulso,
Nagliligtas sa yaong naghihingalo.
Mga segundong sala't 'di sinasayang,
Sapagkat itong pandemya'y bumibilang.
Anim, lima, apat na pagkabagabag,
Patuloy ang digma hanggang mapanatag.
Lumalaban ang haliging namanata,
Sabay ang pagguhit muli sa tadhana.
Pagtapak sa buwis-buhay na paggawa,
Sakripisyong sinasaludo ng masa.
Winawagayway ang supling ng pag-asa,
Mula sa kagitingan ng mananaya.
Mga bayaning binabati ng madla,
Ang may sunong nitong sigalot sa bansa.
~~~
Larawan, Letra, at Tula (fronliners)
ika-30 ng Mayo 2020
Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-KAMFIL
BINABASA MO ANG
Katha: Isang Daang Tula
PoetryNais ko lamang ibahagi sa inyo ang mga tulang aking nilikha mula sa aking pamamanglaw, agam-agam, kagalakan, at pagkabagabag. ~pag-unawa~ Karamihan sa aking mga katha ay natipon simula noong nagsisimula pa lamang akong lumikha. Kaya maaaring naglala...