akda

25 8 2
                                    

Kumusta? Pagbati mula sa aking puso,

Maraming salamat sa iyong pagparito!


Bago tumungo sa kaibuturan ng libro,

Nais ko lamang ipabatid sa iyo, 

Ang mga mahahalagang simbolo!


Una na rito,

Ang  ✒️ para sa mga tulang inalay ko.

Maaaring sa pamilya o katoto,

O sa madlang aking itinuro!


Ikalawa,

Ang 🖋 para sa damdaming aking kinatha.

Saksi sa aking tapang at pagkamahina,

Takbuhan ng pusong gustong lumuha.


Ikatlo, 

Ang 📜 para sa mga akdang ipinambato.

Isinali sa mga patimpalak 'pagkat buryo,

Tinugma sa tema at estilo.


Ikaapat-- ang panghuli,

Ang ✏ para sa mga kathang maiikli,

Mga saknong na walang tali,

Hindi tinapos ang pagkakahabi.


Ang mga simbolo'y itatalaga,

Sa bawat tulang aking ilalathala. 

Kung mayroon itong tinta,

Akin ding ipapakita!


Paalala sa aking mambabasa,

Ako'y hindi perpektong makata.

Ang mga tula'y maaaring 'di ko binago,

Upang maipakita ang tunay na anyo!


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Katha: Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon