C H A P T E R 18

1.3K 20 3
                                    


CHAPTER 18

TODAY IS Sunday and it's Kyle Birthday! Bago umalis si Kuya Xandro papuntang Maynila nagpaalam na muna ako na baka buong hapon ako nasa kanila ni Kyle. Well, he say yes, but I have to follow his rules. Until 8 pm lang daw ako at bawal daw akong uminom ng alak. As if naman na iinom ako. At tsaka bawal ang alak dahil mga bata pa kami don, at lalong hindi papayag si Lolo Emmanuel.

I just wore pink t-shirt paired with black cargo pant. I tucked my pink t-shirt dahil medyo malaki ito. Nagsuot lang din akong puting sapatos at hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok.

Malayo palang ako naaamoy ko na baho ng letson mula sa bahay nila Kyle. Gumawa naman ng ingay si Timmy nang bumaba na ako. Tinali ko muna si Timmy bago ako simulang lumakad papasok sa loob ng bahay nila Kyle.

Nakita ko ang lahat ay busy para sa birthday ni Kyle kaya hindi na ako huminto pa at tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

"Lolo Emmanuel! Maayong buntag po!" masigla kong bati sa matanda na nagwawalis sa living area nila.

Ngumiti ng malaki si Lolo Emmanuel sa akin nang makita niya akong nasa pinto. "Apo! Pasok, Apo. Pasok."

Agad akong nagmano nang pagkalapit ko. Medyo ginulo ang buhok ko ni Lolo kaya sabay kaming napatawa.

"Upo ka muna, Apo. Itatapon ko muna tong dumi." paalam ni Lolo sa akin kaya agad akong tumango. "Saglit lang apo, ha?"

"Sige po," simpleng sagot ko kay Lolo Emmanuel habang may ngiti parin sa labi.

Napatayo bigla nang bumukas ang pinto sa kwarto ni Kyle. Agad ko siyang sinalubong ng malaking ngiti.

"Happy birthday!" masigla kong bati sa kanya.

"Ang aga mo," gulat niyang saad. Nakasuot siya ng puting t-shirt at black cargo shorts. Medyo magulo ang buhok niya sa noo kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

Ang gwapo naman ng birthday boy.

"Syempre. Birthday mo kaya." akma siyang masasalita pero naunahan ko na siya. "At nagpaalam din ako."

Nakita ko ang paghinga niya ng malalim. Wow, ganon ba katigas ang ulo ko?

Tumango siya. "Mabuti at nagpapaalam kana." napanguso ako dahil sa naging sagot niya. Mahina siyang tumawa at medyo kinurot ang pisngi ko.

"Good girl." Lumakas pa ang tawa siya dahil pagkakita niyang namumula ang pisngi ko.

Sabay kaming lumabas nang dumating si Lolo Emmanuel na nasa labas na daw ang mga kaklase namin. Agad kong kinawayan nang makita ko ang lima na nakaupo na sa nakahandang upuan at mesa sa labas.

"Napaaga ata kami?" tawang saad ni Jonathan.

"Sakto lang. Malapit narin kasing maluto ang letson," sagot ni Kyle sa kanila.

Lumibot ang tingin ko sa buong paligid may mga batang nagtatakbuhan habang dala dala ng balloons. May labas pasok sa bahay nila Kyle dahil luto na ang ibang putahe. Sumabay pa ang ingay ng karaoke dahil may kumakanta. Halos nandito ang mga trabahante namin tumutulog sa paghahanda.

Mukhang pinaghandaan at pinag-iiponan talaga ni Lolo Emmanuel ang birthday ni Kyle. Inimbitahan ni Kyle ang mga kaklse namin pero may ay hindi makakapunta dahil may plano na daw ang pamilya nila sa linggo. May iba na nandito na dahil taga dito naman sa hacienda.

Nagpaalam na muna si Kyle sa akin nang tinawag siya ni Lolo Emmanuel.

"Hindi ba papunta si Aubrey, Peter?" tanong ni Lyra ni Peter.

Agad na sira ang mukha ni Peter sa tanong ni Lyra. 'Tong dalawa, parang aso't pusa. Parang walang ginawa nung Miss and Mr. Instrams.

"Pakealam ko 'dun," masungit na sagot ni Peter.

Loving the Star (Montenegro Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon